Sunday, January 3, 2010

My Trendy Vintage Bike


Yan po ang bago kong bike. Bigay ng kuya ko. Nung minsan kasi nung umuwi ako, binati ko tong bike na to. Ganda kasi ng kulay. Tapos tinanong ko kuya ko kung magkano bili nya. Sabay sabi na akin na lang daw. Di ko nga pinansin at akala ko ay nagbibiro lang sya. Kahapon, dinala nya na lang sa amin at binigay na nga talaga sa akin. Thanks Kuya :-)



Gusto ko talaga mag bike. Exercise na rin. Pero kailangan ko pa mag practice. Foot break kasi yung bike, may shifter at ang laki ng handle bars, hirap pa ako lumiko. At isa pa, tagal na nung huli ako nag bike. High school pa siguro ko nun. Pero nakakapag bike pa naman ako nung sinubukan ko paandarin.


1 comment: