Saturday, January 9, 2010

And the countdown begins ....

Hubby left for his flight early this morning at 7am. Sa Amsterdam sya magjojoin sa barko nila at madaling araw sa oras dito bukas ang dating nya dun. Hindi na namin inihatid sa airport ni Marianna at di naman pwedeng tumambay dun at para di na din madagdagan lungkot ko sa pag alis ulit nya. Medyo mas malungkot ako nung alis nya last time at bigla bigla. Sinabihan sya na aalis ng Tuesday tapos umalis na sya ng Wednesday ng gabi. Medyo nabigla ako at sobrang lungkot ko nun bukod sa kailangan ko pa mag hakot ng gamit mula sa apartment na inupahan namin pa migrate sa mga mama ko ulit. Ngayon, masasabi ko na tama lang ang oras para makapag handa ako, emotionally. Tingin ko nasabi naman namin lahat sa isa't isa ang mga dapat sabihin. Sa ngayon, wala akong dapat gawin kundi asikasuhin at alagaan ng mabuti ang anak ko at pumasok sa opisina. Kailangan ko magpaka busy ever. Gusto kong mag karon ng business. Kahit small scale lang. Yun ang next na goal namin mag asawa kasunod ng pagkakaron namin ng bahay. Given the opportunity this year, i will grab the chance to start a business. God willing if this would materialize and be successful, Im hoping hubby will stay here for good. 8 months contract nya sa barko and he'll be here by end of August or first week of September as scheduled. Nag greet na din kami ng happy valentines, happy easter at happy birthday para sa mga occasions na di kami magkasama. Katulad ng mga dati kong ginagawa pag umaalis si Mark, nag ccountdown ako till he comes back home again. I'll count this day already kaya 7 mos 29 days na lang, nandito na sya ulit. Ilang tulog na lang at may kayakap na ulit ako :-).

No comments:

Post a Comment