Tuesday, December 16, 2008

Scrapbooking

Nung buntis pa lang ako kay Marianna, a close hs friend of mine suggested na mag scrapbook daw ako as a hobby para malibang. And so i did. Nilagay ko yung mga ultrasound ko, test results, preggy pics pati na din yung id ng asawa ko nung grade IV pa lang sya kasi yun lagi kong gustong tingnan nung buntis ako. Kaya nung dumating si Mark galing barko, napakita ko sa kanya yung scrapbook na ginawa ko habang wala sya. Ngayon na may Marianna na kami, I made her a separate scrapbook. Gusto ko kasi someday makita nya yung mga pictures nya nung maliit pa sya, mga important items na makakapag pangiti sa kanya, pati na din mga events na importante sa amin ng daddy nya dahil kasama namin sya. Sa scrapbook nya, nilagay ko yung natuyo nyang pusod, first na nails na ginupit namin, patient tag nya sa nursery sa hospital, kopya ng birth certificate nya, baptismal pamplet and white cloth nung binyag, pati na din souvenir sa reception and bill sa max's . Kakatuwa kasi baka sakali pag sya na magpapabinyag, maicompare nya price when she was baptized to the time na sya naman magpapabinyag. I want her to have these memories to keep and look at from time to time to reminisce those days. Ako kasi wala ako nun. Probably my mom is too busy working nung mga bata pa kami to organize and keep our pictures then. Anyways, sana pag marunong na si Marianna mag appreciate ng mga ganitong bagay, matuwa sya pag nakita nya yung scrapbook na ginawa ko para sa kanya.

2 comments:

  1. Nice idea... makagawa na nga rin... oopps teka ni asawa wala pa nga ako eh... anak pa kaya. xD

    ReplyDelete
  2. Ako din may paper scrapbook pero di ko na masyado natuloy kasi naging busy dito sa computershop. I switched to Digital Scrapbooking..

    ReplyDelete