Wednesday, December 17, 2008

Exchange Gifts

Dito sa office may exchange gifts kami. May mga something something for this week worth 20 pesos/ day hangang the actual monito monita exchange of gifts sa Christmas party worth 500 naman. May wish list din kami para di na mahirapan yung nakabunot sa min sa pag pili ng gifts namin sa saturday. Nilagay ko pera na lang. He he. E kasi naman ilang taon na na di ko nagagamit yung mga binibigay sa kin, kaya pera na lang. Ako na lang bibili ng gusto ko, o kaya, dagdag na lang namin pambili ng gatas ni Marianna.

For Monday: SOMETHING LONG - binili ko yung gummy sour candy na snake tska gecko. 3 piraso kasi php 7 lang isa.

For Tuesday: SOMETHING HARD - coffee candy yung binili ko
. Isang balot, worth php 23.

For Wednesday: SOMETHING WET - jelly cups binili ko. yung assorted na may nata de coco sa loob, worth php 19.50 (may utang pa ko na php .50, ha ha)

For Thursday: SOMETHING NAUGHTY - gummy candy na teeth and lips, worth php 21.

**** pansin nyo puro candy? sa isang isle lang ng supermarket ko yan binili e.

For Friday: SOMETHING THAT BEST DESCRIBE YOUR BABY - 5 green tea envelops. La lang. wala na ko maisip e. Tsaka nakalimutan ko yung pang friday kaya kumuha na lang ako ng supply sa bahay.


Yung pang Christmas party ko na gift di ko pa nga alam kung ano gusto nung Monito ko e, kasi naman wala syang nilagay sa wish list. Malamang pera na lang din bigay ko para no sweat di ba?

Teka lang, Thursday na wala pa kong natatanggap na gift a. Sino kaya nakabunot sa kin?

1 comment:

  1. Asus. Ayaw mo lang kasi nung green tea kaya un binigay mo! xD

    ReplyDelete