. Excited na ko lumaki sya para maipasyal. Ang dami dami naming plans para sa kanya ng daddy nya. Ako I want to enroll her in an exclusive school. Malamang sa St. Scho kasi medyo malapit sa office, kung sakali madali ko syang mapupuntahan. Ang tanong, by that time sa same office pa din kaya ko nag wowork? he he. Ang daddy nya, sa co-ed na lang daw para may makilala naman si Marianna na boys. Ano kaya yun?Ako gusto ko sya enroll ng singing tska piano lessons. Daddy nya gusto naman swimming tska taekwondo daw. Kawawang bata, di pa ng nakaka pag salita o nakaka lakad, dami ng naka sched na extra curricular activities.
Sa ngayon, enjoy muna namin yung mga ngiti nya and cooing habang kinakausap namin sya. Ang cute cute ng anak ko !!! Kamukha talaga sya ng daddy nya. Kasi naman nung buntis ako, lagi akong galit kay Mark. Pag di nakakatawag o nakakatext, hinahanap ko. Pag naman tumawag o nagtetext, inaaway ko sya kasi inis na inis ako sa kanya. Ayan tuloy, kamukha nya si Marianna. 


Hay,talagang ganyan ang feeling DJ. Can't get enough of your little angel...
ReplyDelete