Monday, November 2, 2009

Marianna's First Trick or Treat

Last Saturday, we went to Sm north edsa for Marianna's first trick or treat. After lunch na kami nakapunta at siniguro namin na ok na panahon.
Kuha namin ni Marianna sa harap ng Toy Kingdom.
Dun na din kami bumili ng pumpkin na lalagyan nya ng candies.

She dressed up as a fairy. Set yang outfit na yan nung binili ni mark with skirt, wand, wings tska headband. Yung wings tska wand lang nagamit nya kasi ayaw nya suot yung headband tapos di ko na din pinasuot yung skirt at di naman kagandahan.


Silang mag daddy sa may stage sa baba ng the Block. May activities mga bata pero di na kami nakisali. Nag picture picture na lang kami.

Kuha namin sa Face shop. Ako ang nanghihingi ng candy at nag sasabi ng "trick or treat". Nag iikot lang kami para mag pa picure, he he.


Yan yung last picture namin na hawak nya yung wand nya. Nabitawan nya kasi at di ko naman napansin na nalaglag na pala. hay ....


Yan ang laman ng lalagyan nya. Konting candy, lapis tska sabon. Yaan mo anak, next year, cacarerin na natin yan talaga. Pati si mommy mag cocostume para panalo, he he. Di bale, nag enjoy naman kami at natuwa naman si Marianna kasi nga madaming bata. Next year for sure mas matutuwa sya at kasama na sya sa mga tatakbong mga bata.