Tuesday, December 16, 2008

Carolers

Usually during Dec 16, start ng simbang gabi nag uumpisa na din mag caroling mga bata, pati na din mga matatanda. Minsan nga basta pag tungtong ng December, may mga nagagaroling na. Sa may amin nga, nag lagay na yung landlady ng sign sa gate na bawal pumasok ang di taga compound sa dami ng mga nagsosolicit tska nangagaroling. Pero marami pa ding nakakapasok.

Nung linggo, habang nasa itaas ako at nag aayos ng scrapbook ni Marianna, napansin ko na biglang namatay yung TV sa baba. Dun sa baba nanonood ng tv si Mark, kasama nya si Marianna na natutulog sa carrier/stroller nya. Tapos biglang namatay yung ilaw sa labas ng kwarto namin. Maya maya nakita ko na si Mark medyo pa takas pa na dala dala si Marianna. Ang bata walang kamalay malay kasi tulog na tulog. Tapos ang magaling kong asawa, tawa ng tawa. Takas daw sila ni Marianna sa mga carolers kaya pinatay nya yung tv tska mga ilaw. Naiinis na daw kasi sya naubos na yung barya nya kakabigay. Eto pa, di kami nagsasalita para kunyari walang tao sa bahay, bigla ba naman nag door bell. Bigla ko natawa ng malakas . Buti na lang umalis na sila at di ako narinig. he he

No comments:

Post a Comment