Saturday, November 29, 2008
Vaccine
Yesterday i wasnt able to go to work since its my baby's check up and scheduled vaccine injection. Inuubo ang baby ko.
When we went to the National Children's Hospital for her check up under her pedia Tita Dolly Cruz, she had a physical check up before she was given the vaccines. 9 lbs na baby ko. last check up nya, 6.8 lbs. height 54 cm from 51 cm. binati nga sya ng pedia na lumalaki na kaha nya. he he.
Eto na, wala pang naibibigay na vaccines, umiiyak iyak na sya
Sabi ni tita Dolly, "iyakin tong baby mo, lalo na to pag ininjectionan ko na".
First binigay sa kanya oral vaccine muna for rotavirus. Kontra diarrhea and vomitting. Nabasa ko lang sa Smart Parenting kaya we decided na pabigyan na sya pero its optional. You can read more about it at http://www.rotavirusvaccine.org/. Tapos yung injectible na binigay sa kanya, 6 in one. Natandaan ko lang for polio tska hepa B. Eto na, umiyak na sya ng malakas Pero nung tinanggal na yung needle sa pigue nya, konting kausap and ugoy lang, nakatulog ang anak ko. Ang mahal pala ng vaccines. Lagpas 6k din yung dalawa na yun and may bukod pa sya na dose sa dec 24 para sa pneumonia tska meningitis. and jan 28 para sa second doze ng rotavirus and 6 in one. Pero ok lang. Kung pwede nga mabakunahan sya para sa lahat ng uri ng sakit, papabakunahan namin. To ngang asawa ko, magtanong daw ako kung pwede bigyan si Marianna ng para sa varicela para di na magkabulutong. Pano sya nagpa vaccine kontra bulutong kasi hangang ngayon di pa sya nabubulutong. Natatakot syang magkamarka ng bulutong ang makinis nyang kutis
Nakakaawa pag bata nagkakasakit. Lalo na pag baby, di pa marunong mag sabi kung ano masakit sa kanila. Iniisip ko pa lang na may sakit anak ko, parang naiiyak na ko. Kaya mas mabuti ng makumpleto vaccines nya kaysa mahirapan sya pag nagkasakit. Ika nga, " Prevention is better than Cure ".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
yung 6 in one ng baby ko yata only costs P2,500 sa government hospital where my Kuya works..(doctor kasi sya)
ReplyDelete