Tuesday, November 25, 2008
Work kaya ko abroad? Nah ...
Tuesday, second day of work. Medyo madaming work kasi may interim audit kami next week kaya kailangan matapos mga scheds. Syempre breaktime kaya singit muna blogging. Minsan naiisip ko bakit kaya di ako mag abroad? Lalo na compared dito, mas malaki kikitain ko sa ibang bansa. Tapos yung mga kaibigan ko na wala na dito sa Pinas, malaki kita nila tsaka nabibili nila kahit na anong gusto nila o napupuntahan lahat ng lugar na gusto nilang pasyalan. Naiingit ako minsan, aaminin ko. Pero pag naiisip ko, di ko kailangan kumita ng malaki kung mahihiwalay naman ako sa family ko. Lalo na ngayon na may baby na kami. At isa pa, umaalis na nga asawa ko, pati ba naman ako, aalis din. Ayokong ma miss every milestone sa pag laki ng mahal kong si Marianna. Dapat nga magpasalamat ako dahil kahit dito lang ako sa Pinas nagtatrabaho, nabibili ko naman lahat ng pangagailangan namin at minsan, may sobra pa para makabili ng gusto from time to time. Very thankful naman ako for everything. Kaya i have no reason to be envious at other people's fortune. Dito sa Pinas, kasama ko family ko. Walang katumbas na pera kasiyahan na magkasama kami ng anak ko at nila mama. Di kayang bayaran missed moments with your family and loved ones. Dasal ko na lang, sana di magsasawa si Lord pag subaybay at pag gabay inspite of our shortcomings.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment