Nways, kinuha ni mama si Marianna today. Naawa nga kami ni Mark kasi inuubo sya. Sabi ng tita neneng ko pag dating kay mama, minasahe ng vics yung likod nya kaya tulog na tulog sya ngayon. Balak ko sana matulog at magpahinga kasi nga baka mag tuloy tuloy sakit ko. Kaso lang, madami pa kong kailangan gawin. At this time, na libre na ko to write my blog kasi tapos na ko magluto, maglaba, magtiklop ng mga tuyo ng damit, maglinis ng feeding bottles at magsampay.
Totoo pala sinasabi nila, kung nanay ka, bawal magkasakit kasi nga maraming umaasa sa yo. Lalo na maliit pa baby ko, ayokong magkasakit kasi di ko sya mayayakap. Sa totoo lang, masakit na katawan ko. Pero pag narining ko baby ko na umiiyak at may lakas pa ko para tumayo, binubuhat ko sya at hinahalikan. At that moment, nawawala momentarily sakit ng katawan ko. Sulit lahat ng hirap pag masaya ka sa ginagawa mo. And i would say, im very happy to be a mommy and a wife. I miss being single and having no worries. But i wouldnt exchange the perks of family life. I just hope I'd feel the same as time goes by. I know i will because life is good. And im here to make the most out of it.
No comments:
Post a Comment