Every monday it feels like i have to drag myself out to bed. Start nanaman kasi ng week ng work. But then again, di naman matatapos kung di uumpisahan kaya dali dali din ako naligo dahil 6:15 na ko nagising. Sa bahay, may mga sipon at ubo kami. Pati baby ko inuubo. Kawawa naman baby ko . Pag umuubo sya, parang nasusuka. Di kasi ok panahon this days. Bihira yata walang ubo at sipon. Tuwing umuubo sya, naaawa ko. Kasi naaabala tulog nya. Maswerte pa din kasi malakas pa din sya dumede.
Sa friday, Nov 28, 2 mos na baby ko. Nung first month nya, nagpaluto lang kami ng pansit tska shanghai kay mama. Baka sa friday bumili na lang kami sa labas . Sabi kasi nila mas ok pag pinag hahanda yung baby every month one year bago sya mag 1st bday, iwas sakit daw. Sa akin, I just want to celebrate monthly sa pagdating ng aming precious baby.
Nways going back to my monday madness, ayun as usual, super siksikan sa lrt. Sa mga babae na couch ako umuupo pero minsan mas haragan pa mga babae sa lalaki. Nung minsan ba naman, e di pasakay nga ko ng lrt, nasa bandang bungad ako ng pinto. Lumabas ulit ako kasi ang bagal ko, naubusan na ko ng upuan. Pag labas ko, dun ulit ako pumuwesto sa bandang harap ulit para maka upo na ko next train. Naku maniwala ka, yung magkabilang babae na feeling nila sinigitan ko sila, sinisiko ako. Magkabilaan. Tinitingnan ko sila di naman naka tingin sa kin pero tuloy tuloy pa din siko. Manong magsalita. Mga biolente.
Hinayaan ko na lang. Ayokong makipag away. Hay naku, talagang pag nag cocommute ka, madaming storya. May mga makakasakay ka na mga war freek, bastos, walang modo, super daldal at kung ano ano pang klase ng tao.
No comments:
Post a Comment