I wasnt able to blog yesterday. A little busy from making scheds for our up coming interim audit next wk. Parang na jack hammer yung ulo ko nung uwian na from beating the deadlines. hay ... Bakit nga ba accounting ang kinuha kong course? Eh nung high school math ang pinaka mababa ko na grade. Eh ano nga ba pinaka mataas ko? Pagkakatanda ko yata Economics tska Social Studies. Eh pag social studies naman gagawin kong batayan sa pag pili ng course, ayoko naman maging historian. Parang wala naman akong magiging future sa career na yun. Kung Economics naman, maaari pa kasi gusto kong maging ekonomista dati. There was a time in my life that graphs of GNP (Gross National Product) makes sense to me. Kaso nga lang, limitado lang pwedeng mapasukan na work pag economist ka. Di katulad pag accounting grad, lahat ng industry kailangan ng accountant in one way or another. And besides, i have no reason to complain, sa pagiging accountant ko na meet ang aking one and only love. And minahal ko na din tong course na kinuha ko. Sanayan lang yan ika nga. Lahat naman kayang aralin at mahalin. And if you love what you do, everything will come easy. Kaya dapat pag tinanong ako kung ano work ko, i should proudly say... Accountant ako! Di ba halata sa mga eyebags ko? he he
No comments:
Post a Comment