Sunday, November 30, 2008

Twilight

Dahil day off ng love ko kahapon, after work, nanood kami ng Twilight sa Trinoma. Super haba ng pila. 4 na movie theater dun puro twilight ang palabas and still punuan pa din. I bet most of them have read the twilight paperback to which the movie was based and di katulad ko na nagkainterest lang kasi it topped the US movie chart this week. Anyways, maganda yung movie. Di sayang binayad namin na 170 pesos per movie ticket. After watching it nagka interest tuloy akong bumili nung paperback. 4 pala yun in one set and because of its popularity, out of stock sa mga bookstore. And it doesn't come cheap ha? Php 2500 per set, di pa hardbound. I'll probably just wait for the next movie installment.

Saturday, November 29, 2008

Vaccine


Yesterday i wasnt able to go to work since its my baby's check up and scheduled vaccine injection. Inuubo ang baby ko.

When we went to the National Children's Hospital for her check up under her pedia Tita Dolly Cruz, she had a physical check up before she was given the vaccines. 9 lbs na baby ko. last check up nya, 6.8 lbs. height 54 cm from 51 cm. binati nga sya ng pedia na lumalaki na kaha nya. he he.

Eto na, wala pang naibibigay na vaccines, umiiyak iyak na sya

Sabi ni tita Dolly, "iyakin tong baby mo, lalo na to pag ininjectionan ko na".
First binigay sa kanya oral vaccine muna for rotavirus. Kontra diarrhea and vomitting. Nabasa ko lang sa Smart Parenting kaya we decided na pabigyan na sya pero its optional. You can read more about it at
http://www.rotavirusvaccine.org/. Tapos yung injectible na binigay sa kanya, 6 in one. Natandaan ko lang for polio tska hepa B. Eto na, umiyak na sya ng malakas Pero nung tinanggal na yung needle sa pigue nya, konting kausap and ugoy lang, nakatulog ang anak ko. Ang mahal pala ng vaccines. Lagpas 6k din yung dalawa na yun and may bukod pa sya na dose sa dec 24 para sa pneumonia tska meningitis. and jan 28 para sa second doze ng rotavirus and 6 in one. Pero ok lang. Kung pwede nga mabakunahan sya para sa lahat ng uri ng sakit, papabakunahan namin. To ngang asawa ko, magtanong daw ako kung pwede bigyan si Marianna ng para sa varicela para di na magkabulutong. Pano sya nagpa vaccine kontra bulutong kasi hangang ngayon di pa sya nabubulutong. Natatakot syang magkamarka ng bulutong ang makinis nyang kutis

Nakakaawa pag bata nagkakasakit. Lalo na pag baby, di pa marunong mag sabi kung ano masakit sa kanila. Iniisip ko pa lang na may sakit anak ko, parang naiiyak na ko. Kaya mas mabuti ng makumpleto vaccines nya kaysa mahirapan sya pag nagkasakit. Ika
nga, " Prevention is better than Cure ".

Thursday, November 27, 2008

Accounting Course...ofcourse!




I wasnt able to blog yesterday. A little busy from making scheds for our up coming interim audit next wk. Parang na jack hammer yung ulo ko nung uwian na from beating the deadlines. hay ... Bakit nga ba accounting ang kinuha kong course? Eh nung high school math ang pinaka mababa ko na grade. Eh ano nga ba pinaka mataas ko? Pagkakatanda ko yata Economics tska Social Studies. Eh pag social studies naman gagawin kong batayan sa pag pili ng course, ayoko naman maging historian. Parang wala naman akong magiging future sa career na yun. Kung Economics naman, maaari pa kasi gusto kong maging ekonomista dati. There was a time in my life that graphs of GNP (Gross National Product) makes sense to me. Kaso nga lang, limitado lang pwedeng mapasukan na work pag economist ka. Di katulad pag accounting grad, lahat ng industry kailangan ng accountant in one way or another. And besides, i have no reason to complain, sa pagiging accountant ko na meet ang aking one and only love. And minahal ko na din tong course na kinuha ko. Sanayan lang yan ika nga. Lahat naman kayang aralin at mahalin. And if you love what you do, everything will come easy. Kaya dapat pag tinanong ako kung ano work ko, i should proudly say... Accountant ako! Di ba halata sa mga eyebags ko? he he

Tuesday, November 25, 2008

Work kaya ko abroad? Nah ...


Tuesday, second day of work. Medyo madaming work kasi may interim audit kami next week kaya kailangan matapos mga scheds. Syempre breaktime kaya singit muna blogging. Minsan naiisip ko bakit kaya di ako mag abroad? Lalo na compared dito, mas malaki kikitain ko sa ibang bansa. Tapos yung mga kaibigan ko na wala na dito sa Pinas, malaki kita nila tsaka nabibili nila kahit na anong gusto nila o napupuntahan lahat ng lugar na gusto nilang pasyalan. Naiingit ako minsan, aaminin ko. Pero pag naiisip ko, di ko kailangan kumita ng malaki kung mahihiwalay naman ako sa family ko. Lalo na ngayon na may baby na kami. At isa pa, umaalis na nga asawa ko, pati ba naman ako, aalis din. Ayokong ma miss every milestone sa pag laki ng mahal kong si Marianna. Dapat nga magpasalamat ako dahil kahit dito lang ako sa Pinas nagtatrabaho, nabibili ko naman lahat ng pangagailangan namin at minsan, may sobra pa para makabili ng gusto from time to time. Very thankful naman ako for everything. Kaya i have no reason to be envious at other people's fortune. Dito sa Pinas, kasama ko family ko. Walang katumbas na pera kasiyahan na magkasama kami ng anak ko at nila mama. Di kayang bayaran missed moments with your family and loved ones. Dasal ko na lang, sana di magsasawa si Lord pag subaybay at pag gabay inspite of our shortcomings.

Monday, November 24, 2008

Monday Madness

Every monday it feels like i have to drag myself out to bed. Start nanaman kasi ng week ng work. But then again, di naman matatapos kung di uumpisahan kaya dali dali din ako naligo dahil 6:15 na ko nagising. Sa bahay, may mga sipon at ubo kami. Pati baby ko inuubo. Kawawa naman baby ko . Pag umuubo sya, parang nasusuka. Di kasi ok panahon this days. Bihira yata walang ubo at sipon. Tuwing umuubo sya, naaawa ko. Kasi naaabala tulog nya. Maswerte pa din kasi malakas pa din sya dumede.

Sa friday, Nov 28, 2 mos na baby ko. Nung first month nya, nagpaluto lang kami ng pansit tska shanghai kay mama. Baka sa friday bumili na lang kami sa labas
. Sabi kasi nila mas ok pag pinag hahanda yung baby every month one year bago sya mag 1st bday, iwas sakit daw. Sa akin, I just want to celebrate monthly sa pagdating ng aming precious baby.

Nways going back to my monday madness, ayun as usual, super siksikan sa lrt. Sa mga babae na couch ako umuupo pero minsan mas haragan pa mga babae sa lalaki. Nung minsan ba naman, e di pasakay nga ko ng lrt, nasa bandang bungad ako ng pinto. Lumabas ulit ako kasi ang bagal ko, naubusan na ko ng upuan. Pag labas ko, dun ulit ako pumuwesto sa bandang harap ulit para maka upo na ko next train. Naku maniwala ka, yung magkabilang babae na feeling nila sinigitan ko sila, sinisiko ako. Magkabilaan. Tinitingnan ko sila di naman naka tingin sa kin pero tuloy tuloy pa din siko. Manong magsalita. Mga biolente.

Hinayaan ko na lang. Ayokong makipag away. Hay naku, talagang pag nag cocommute ka, madaming storya. May mga makakasakay ka na mga war freek, bastos, walang modo, super daldal at kung ano ano pang klase ng tao.

Sunday, November 23, 2008

Magastos maging kikay


Kahapon pagkalagak namin kay Marianna kay mama, nagpunta kami ng trinoma. Pasyal naman daw kami dahil day off nya sabi ng asawa ko. he he. Pumunta ko sa La Senza. Bibili lang talaga ko ng panty. Sale kasi. 5 pcs for php 1295. mura na sa tingin ko kasi magandang klase naman. E di nakapili na ko. May nakita ko na bra. sale din. 2 pcs for 1795. Syempre ang listang taga assist kung ano ano na pinasukat sa kin. Sa madaling salita, kumuha din ako. E di magkano na yun, Php 3090. Tapos inalok ako ng membership card. 10% disc, good for 1 year daw. kwenta ko, magdadagdag na lang 191 di bale nabayaran na ng binili ko yung membership fee. O di sige. Eto nanaman, may inalok nanaman na disc. pag naka purchase ng php3500, may libre na worth php 695. To make the long story short, inavail ko nanaman. kaya ayun, naka almost php 3800 ako. 7 panties tska 2 bra. Talaga nga naman. Medyo pinagpawisan nga ko ng malamig nung na realize ko gano nagastos ko. Mabuti na lang maganda lahat ng nabili ko kaya its not all lost. Pera ko lang ang na lost-tay. ha ha. Mukhang matagal tagal pa ulit bago ako mamili ng underwear.

Kanina naman, nagpa pedicure ako. Sobrang sakit na kasi ng paa ko. 2 wks na kasi since my last pedicure. Pumunta ko ng Davids salon dito sa MCU. Ayun, pagkatapos ko sabay nakapag pagupit na and threading. php 380 lahat. php 135 yung threading tska gupit, php 110 naman yung pedicure. Buti at di ako inalok ng hair treatment at malamang pinatulan ko nanaman.

Gastos talaga. Buti na lang at wala kong credit card, kung di sasakit lalo ang ulo ko sa pagbabayad ng interest.

Saturday, November 22, 2008

Ang buhay pamilyado. Bow.

Di ako nakapasok today. Im a little bit under the weather. I have a very terrible sore throat. Hirap ako lumunok. Eh kasi naman kagabi uminom pa ko ng malamig na apple juice. Uhaw na uhaw kasi ako. Kasi naman yung nasakyan ko na jeep, malayo pinag babaan at kakain daw sila. Naglakad tuloy ako hangang bahay. Sayang pamasahe e. 30 pesos sa tricycle kasi ayoko ng may katabi. malapit lang naman kaya nilakad ko na. Exercise na din.


Nways, kinuha ni mama si Marianna today. Naawa nga kami ni Mark kasi inuubo sya. Sabi ng tita neneng ko pag dating kay mama, minasahe ng vics yung likod nya kaya tulog na tulog sya ngayon. Balak ko sana matulog at magpahinga kasi nga baka mag tuloy tuloy sakit ko. Kaso lang, madami pa kong kailangan gawin. At this time, na libre na ko to write my blog kasi tapos na ko magluto, maglaba, magtiklop ng mga tuyo ng damit, maglinis ng feeding bottles at magsampay.


Totoo pala sinasabi nila, kung nanay ka, bawal magkasakit kasi nga maraming umaasa sa yo. Lalo na maliit pa baby ko, ayokong magkasakit kasi di ko sya mayayakap. Sa totoo lang, masakit na katawan ko. Pero pag narining ko baby ko na umiiyak at may lakas pa ko para tumayo, binubuhat ko sya at hinahalikan. At that moment, nawawala momentarily sakit ng katawan ko. Sulit lahat ng hirap pag masaya ka sa ginagawa mo. And i would say, im very happy to be a mommy and a wife. I miss being single and having no worries. But i wouldnt exchange the perks of family life. I just hope I'd feel the same as time goes by. I know i will because life is good. And im here to make the most out of it.

Friday, November 21, 2008

Sweetie ko



Yan po ang picture namin ng sweetie ko. Two years ago na yan and iba na itsura namin ngayon. he he. Sweetie tawag ko sa kanya, Precious naman tawag nya sa kin, but we call each other Love for short.
Before i leave for work kanina, i kissed him goodbye. Iniwan ko sya to take care of our baby. Kawawa nga love ko kasi sinisipon pa din sya. Nag mamask na lang sya pag hawak nya si Marianna.
Super sweet ng Love ko. And lalo ko yon nalaman ngayong may anak na kami. Pag ka panganak ko, pinagluluto at pinaglalaba nya ko. Nag eeffort pa yan sa pag luluto. Nilalagyan pa ng garnish kahit tocino lang ulam. Ngayon namang pumapasok na ko sa office, sya naiiwan mag alaga kay Marianna. Katulad ngayon, kakatext lang, nakapag laba na daw sya at napaliguan na baby namin. Miss na daw nya ko. Syempre ako, miss na miss ko na mag ama ko. Kung pwede nga lang wag na ko pumasok sa office e. Gusto ko na lang silang tingnan maghapon. Lalo na aalis na naman sya sa January for work. Seaman kasi tong asawa ko. Electrician sa barko. Nung buntis ako, bihira ang gabi na di ako umiiyak. Lagi ko kasi syang hinahanap. Pero no regrets inspite of being so sad for missing him terribly pag umaalis sya, I wouldnt love anyone else but him. I consider myself very lucky for having him. Love, sana di magbago pag mamahal mo sa min ni Marianna. Mahal na mahal ka din namin.

Thursday, November 20, 2008

Picture taking

Being a first time mommy, super excited ako for my baby. Lahat ng pwedeng gawin o bilhin para sa kanya, ginagawa o binibili ko. Ganun yata talaga pag panganay. I just hope i'll continue to do the same for my other kids to be. Nways, too early to talk about having kids again. One and a Half month pa lang si Marianna and di ko pa nakakalimutan yung labor pains. And besides, i still have to loose the baby weight. Ako pa naman, super paranoid pag nararamdaman ko o may nagsasabi na tumaba ako. Diet na ko agad.




Yesterday di ako naka pasok sa office. Umalis kasi yaya ni Marianna and i have to tend to my husband na super sinisipon. After giving our baby a bath, we took some pictures para ilagay sa pinagawa namin na souvenir sa up coming na baptismal nya. Above is one of my favorite of my many favorites. Syempre para sa mommy lahat ng kuha maganda.



Kahapon ko lang din nalaman kay Mark na kinuhanan nya pala kami while we were sleeping. Tutuwa ko kasi kunyari, tulog din sya. May pagka artista talaga tong asawa ko. Naalala ko tuloy nung mag bf pa kami madalas nya ko dramahan. Nways, eto yung isa sa mga kuha nya.


O di ba? Wala kong kamalay malay nyan. Tutuwa ko kasi si Marianna parang nasisilaw sa flash kahit natutulog. Ha ha.


This is my first post as an aspiring blogger. I hope matuloy tuloy ko ito and ma improve as time goes by. I know my daughter would love to read this as soon as she learns how. Chow.