Thursday, January 1, 2009

First Birthday Party

Last December 27th, we attended the 1st birthday party of Ariel, Ate Ida's son, an officemate of mine. It was held at Mc Donalds - Makati Cinema Square (MCS) branch. Sinama namin si Ria tutal bday party for kids naman yun. Masaya naman. Nag enjoy ako pag nood sa mga bata sa mga games. Ang kulit ni Ria, sobra. Naiyak ako kakatawa. Sumasali sya sa mga games. Kunbaga sa school, saling pusa sya. Dun sa game na group yourselves into... si Jillian, anak ni Jenny na kaoffice mate ko din lagi nyang akap kahit di na into 2 yung groupings. Tapos talon sya ng talon at pinag yayakap yung mga lalaki. Tapos kung kani-kanino sya sumasama. Kaso lang nung naawat sya kasi nangugulo na, parang nagtampo kaya hangang sa umuwi kami, tahimik na sya. Buti kumain pa din. Dun sya pumuwesto kay Ate Grace, officemate ko din. Si Marianna, tulog lang most of the time. Nun lang din sya nakita ni Ninong Rainier nya, asawa ni Ninang Elsa. As usual, kamukha nga daw ni Mark. Nung dumating yung mascot, si Hamburglar, gising si Marianna. Nakatingin lang tska di natatakot. Nagtataka siguro sya kasi iba itsura tapos isa lang ngipin . Ayan buhat sya dyan ng Ninang Margel nya habang nakatingin sa mascot. Sana lang pag sya na may birthday, di pa din sya takot sa mascot. Yung ibang bata kasi makita pa lang kahit malayo pa, nag iiyak na agad.

Si Ninang Elsa, may gift kay Marianna, mga scrapbook accessories. Tuwa ako kasi may dagdag nanaman akong gamit para sa scrapbook nya . Thanks Ninang Elsa . Nakakapagod kasi super init nung araw na yun pero ok lang. Gusto din namin kasi maipasyal si Marianna .

No comments:

Post a Comment