Wednesday, June 3, 2009

Office Birthday Celebration



I was not able to go to office last monday so i treated my officemates for lunch yesterday.
Too bad i was not able to take the before pictures, yung nakahain pa yung mga handa at payapa pa ang kapaligiran, ang bilis kasi ng mga pangyayari. Ang bilis naubos ng pagkain. ha ha. Gutom ang mga taga opisina ko. Nung dumating yung taga kabila, yung accts annex department, kanin, sabaw, konting mixed vegies at dessert na lang ang inabutan. Mabuti at mga jologs naman tong mga ito at umubra na din. Masaya kasi daming tao dito. Nakakamiss sila. Di kasi kami araw araw nag kikita at nilagak kami dito sa kabundukan. he he. Eto ang listahan ng mga gusto kong pasalamantan kaugnay sa ukasyong ito:

Una, salamat sa aking Ina. Pinagluto pa ako ng shanghai at Hamonado pandagdag handa.

Pangalawa, kay Kuya Vic. Ang aming resident caterer. Maraming salamat at nag paabala ka sa akin. Sarap ng kalderetang spare ribs at mixed vegies. Next week, tingnan ko ang handa mo at i kritik natin dito sa blog ko. ha ha Advance happy birthday :-)
Pang tatlo, salamat sa mga kaibigan ko sa trends. Dahil nag bigay sila ng 2 kahong Krispy Kremes na pinakain ko din sa mga kasama ko dito. Nag enjoy sila. At nag enjoy naman din ako pag tingin sa kanila.

Pang apat, salamat sa mga kaibigan ko sa euroasia. Salamat sa ice cream. Gusto ko ng double dutch, kaso nga lang di ako naka tikim kahit isang kutchara. ha ha. Ok lang, sabi ko nga makita ko lang mga kasama kong nag eenjoy, masaya na din ako.


Pang lima, salamat sa mga ka opisina ko, lalo na yung mga dumayo pa galing kabila. Masaya ako at pinaunlakan nyo ako. Di ko nga alam sino unang eembrace. Na miss ko kayo talaga.



Hangang sa muli kong kaarawan dito sa opisina mga kaibigan. Hangat kaya ng aking kakayanan, itutuloy ko taon taon ang pagbusog sa inyo. Next time, di na pang 50 ihahanda namin, pang 100 na para di ako mag panic pag naubusan yung iba. ha ha

1 comment:

  1. Im looking forward for your next bday para libre ulit ang lunch..wahahahaha... Salamat ng madami sa iyong pag unlak samin n kainin ang handa mo..hehehe... HaPpy HaPpy BiRtHdAy ulit!!! hanggang sa susunod na kainan!!!

    ;)

    ReplyDelete