Last sunday, tumawag si Mark. Nasa Jebel Ali, UAE sila nun. At bungad agad sa akin "Happy Father's Day sa akin!!!". O di ba at di na nakaintay na batiin ko sya. Greet na nya automatic sarili nya. And from the tone of his voice, he seems to be very excited to be celebrating Father's day for the first time. Ako kasi, buntis pa lang ako, nag celebrate na ko ng mother's day. By that time kasi ramdam na ramdam ko na pag galaw ni Marianna sa tyan ko. In Mark's case, ngayon lang nya talaga feel na tatay na sya at nandito na, in the flesh, ang anak namin. So, tatay na talaga sya. Ano kaya ang feeling ng isang tatay? Magkaiba sa feeling ng isang nanay perhaps, o may pagkaka pareho din sa ibang level. Di ko nga din masabi maaaring mas malalim pa yung nararamdaman nila o concern nila minsan sa nanay na mismong nagdala ng anak nila towards sa mga bata.
Ang asawa ko, mag bf gf pa lang kami nun, lagi nya sinasabi sa kin na he knows that i'm going to be a great mom to our future kids. Ako, i may not say it as often as i do, i know, in my heart he will be the best father sa aming mga anak. I know. I can see, hear and feel it in his actions and words. Ngayon, although malayo sya sa amin ni Marianna, he does his best to be a good husband and father. Happy Fathers day Sweetie. Pag uwi mo, mas mararamdaman mo pa pagiging daddy mo as you spend more time with me and Marianna. We love and miss you so much.
No comments:
Post a Comment