Tuesday, June 30, 2009

Scrappin Mondaze: Marianna's 9th Month Celebration


Last Sunday, June 28 was Marianna's 9th month. We had a little get together at our house. Parang ako nga ang may occassion at puro friends ko ang invited. Pumunta si Tita Romelia, Tita Peachy with Ykaie and Tita Emielyn. A few relatives also came. Happy 9th month anak.
We love you so much.

Saturday, June 27, 2009

Palayaw

Im thinking of a cute nickname for Marianna and I would very much appreciate some suggestions. Si Mark kasi Mark lang. Misan Macoy o Markey pero mas mahaba pa yung ibang tawag sa kanya kaysa sa totoo nyang pangalan. Ako kasi, madaming nickname. When I was young, aside from Joan, they call me Boyang. They say that I was sickly then kaya binasagan ako. "Boyang" came from my papa who is nicknamed "Boy". They say we look alike and Im a younger version of him, thus the nickname. Then when I was in 2nd year highschool, our English teacher then, Mrs. Marquez, tagged me Dj since my name si spelled as Djohanna. Then my mama calls me Mumay. From the film with a young girl that cries a lot kasi iyakin daw ako. Iyakin? Di naman ah. Ewan ko ba dito kay mama :-P. Then dito sa office, variances of Dj emerges, may tumatawag sa kin ng D-Jo, Deej, Dijay, Jay at kung ano ano pa.

Ngayon Marianna lang tawag ko kay Marianna. Dati I was thinking of Rian, kaso yung kapitbahay namin Rian pangalan kaya ayoko na. Then Mark's sister calls her Yan-yan. Dito naman sa office si Ate Grace tawag sa kanya Rianna. Then my tita calls her Yanna. Ano sa tingin nyo maganda?

Friday, June 26, 2009

Food Friday: Garlic and Basil Potatoes




I had this for lunch last Tueday. Garlic and Basil Potatoes. Very easy to make yet very tasty.


Ingredients:

Baby Potatoes

Water

Butter

Garlic

Dried Basil

Salt and Pepper to taste


Procedures: Boil Baby Potatoes in Salted Water until tender.

When Potatoes are already tender, drain water and set aside.

Saute Garlic in Butter. Incorporate cooked baby potatoes in garlic and butter.

Sprinkle dried basil, salt and pepper according to taste.

Enjoy!!!

Thursday, June 25, 2009

I Got my Beryll's gift Pack from Smart Parenting !!!


I won !!! I'm one of the 40 survey participants in the Smart Parenting May 2009 Issue that won a beryll's gift pack. Kaya kaninang lunch time, pinuntahan namin ni hazel sa Robinsons Pioneer Complex, 7f Cybergate tower 3 ang office ng Summit Media. Hangang bukas na lang kasi ang claiming period and if di ko claim, it will be in favor of Summit Media. Kaya naman kahit late ako kanina dahil na siraan ang lrt, past 9 na nga ko dumating sa office. Lunch time pinuntahan namin ni Hazel, pinsan ko na ka officemate ko din yung chocolates ko. Effort talaga. Kakapagod mag byahe. From here sa office, naglakad kami sa kanto ng Vito Cruz, sakay ng lrt hangang Edsa Station then sakay naman ng mrt then baba ng Boni Ave Stn. Lakad ulit to reach Summit's office sa Robinsons Pioneer.






Ok naman. Dumating kami dun 1pm. Intay ng mga approx 20 mins para sa gift pack na beryll chocolates then kain kami sa Robinsons Pioneer Mall for lunch gutom na din kasi kami sa pakikipagbuno namin sa pagsakay ng Lrt at Mrt. Medyo madami din yung chocolates. Ok na din ang aming biniyahe.




Kumain kami sa Mongolian Quick-stop sa Level 2 ng Robinsons Pioneer.

Order ko is on your right: Mongolian Seafood Bowl - Php 95.00 at Mongolian Vegetarian Bowl (left) naman para kay Hazel - Php 95.00 din

Our Verdict: Pwede na ( 3 stars out of 5 )

Kayang kaya gayahin at lutuin sa bahay. he he

Ayan ako, sampling one of the free chocolates that i got. Beryll's Strawberry infused white chocolate. Thanks Smart Parenting kasi its my first time to join one of your promos and luckily im one of the winners. Thank you kay Hazel sa pagsama sa kin at hindi ko mapupuntahan yung lugar mag isa. At higit sa lahat, maraming salamat sa boss namin, si Mam Loida sa pagpapasensya nya sa amin. Biruin mo, late na nga kami ng umaga, pati pag balik after lunch late pa din. Hay ... Thanks Mam Loi. Naway habaan mo pa ang iyong pasensya.

Wednesday, June 24, 2009

Creative Mom Blogger Award

Thank you very much Peachy for giving me this award. I would also like to thank my Husband for his contribution for making me a mom and ofcourse my daughter who did make me a mommy. Mwah mwah kisses to each and every one of you. .

Here are the rules:


  • Take your award and put the logo on your post.
  • Link the person who awarded you.Remember each recipient of the award should acknowledge the person who honored them and go to Mom's Special Diary to copy and paste the award.
  • Put your own blog title and link.
  • Nominate at least five deserving moms.

    I'm giving this award to the most creative mom bloggers I know:

    * Peachy of Blowing Peach kisses (di to solian ha? wala na ko maisip na creative mommy blogger kung di ikaw e, he he)


    Sunod ko na lang yung iba ha? I'll be listing the four creative mom blogger that i'll pass this award to soon.

Tuesday, June 23, 2009

Scrappin Mondaze: Marianna's Paper Scrap Vol. 2



Here are some pages from Marianna's Volume 2 Paper Scrapbook. I love making her scrap. I enjoy every thing from buying some embelishments to editing the photos for developing. I hope Marianna would appreciate looking at this when she grows up.

Belated Happy Fathers Day Sweetie

Last sunday, tumawag si Mark. Nasa Jebel Ali, UAE sila nun. At bungad agad sa akin "Happy Father's Day sa akin!!!". O di ba at di na nakaintay na batiin ko sya. Greet na nya automatic sarili nya. And from the tone of his voice, he seems to be very excited to be celebrating Father's day for the first time. Ako kasi, buntis pa lang ako, nag celebrate na ko ng mother's day. By that time kasi ramdam na ramdam ko na pag galaw ni Marianna sa tyan ko. In Mark's case, ngayon lang nya talaga feel na tatay na sya at nandito na, in the flesh, ang anak namin. So, tatay na talaga sya. Ano kaya ang feeling ng isang tatay? Magkaiba sa feeling ng isang nanay perhaps, o may pagkaka pareho din sa ibang level. Di ko nga din masabi maaaring mas malalim pa yung nararamdaman nila o concern nila minsan sa nanay na mismong nagdala ng anak nila towards sa mga bata.

Ang asawa ko, mag bf gf pa lang kami nun, lagi nya sinasabi sa kin na he knows that i'm going to be a great mom to our future kids. Ako, i may not say it as often as i do, i know, in my heart he will be the best father sa aming mga anak. I know. I can see, hear and feel it in his actions and words. Ngayon, although malayo sya sa amin ni Marianna, he does his best to be a good husband and father. Happy Fathers day Sweetie. Pag uwi mo, mas mararamdaman mo pa pagiging daddy mo as you spend more time with me and Marianna. We love and miss you so much.

Monday, June 22, 2009

Food Friday : Snow peas with Ginger Chicken and Oyster Sauce



Its my first time to be in this meme "food Friday". I'm a foodie in nature and is into discovering new things to cook specially now that I'm into it. I just discovered the joy of cooking in addition to my love of eating. I find it very fulfilling. I cooked this snow peas with ginger chicken and oyster sauce last week. Its a recipe i got from Peachy in one of her south beach diet recipes only i added some oyster sauce. Hope to be able to join weekly. Happy eating/cooking fellow foodies !!!

Bilis lang talaga ...

Nakita nyo ba ang picture ng anak ko? Dyan sa side bar, yung moments with baby Marianna yung picture nya with her Daddy tska yung latest picture nya na kuha ko kahapon. Bilis lang. Sa sunday, June 28, 9 mos na sya. Pansinin nyo nga kung ano ano na nabago sa itsura nya? Unang una, kapansin pansin na pumuti sya. Salamat sa kalamansi. Araw araw kasi tuwing pinaliliguan namin sya, pinipigaan namin ng 6-10 pcs na kalamansi ang kanyang tubig. Oh di ba? Totoo, nakakaputi ang kalamansi at nakakaganda din ng balat. Tip sa amin yan ng mga kamag anak ni Mark sa Pangil, Laguna yung pumunta kami dun last December 2008. Kung dati makapal ang buhok nya, mas lalo na ngayon. Nakakatuwa at bihira naman sa baby ang may makapal na buhok. Kaya naman malapit na sya makaipon ng isang palanganang ipit kakabili ko. Dati, kamukhang kamukha sya ni Mark. Ngayon, tingin ko ha? tingin ko lang naman, nasasainyo na kung aayon kayo sa akin ... na nagiging kamukha ko na din sya. Lalo na pag naka nguso. he he. Madami na din syang alam ngayon. Marunong na sya ng close open, pumalakpak, mag a - line, magpabuhat (hinihila ang damit ko pag gusto magpa karga), kumain (masarap sya kumain, salamat kay Lord at hindi sya maselan), gumamit ng straw, ano pa ba? mukhang nakalimutan ko na ang iba sa dami na nyang alam. Nakakatuwa. Ganito pala ang pakiramdam ng isang nanay. Nung isang araw habang pinapakita ko yung kanyang scrapbook, tinanong ko kung nasaan si Marianna. Walang kagatul gatul na tinuro nya ang litrato nya na buhat sya ng kanyang lola Wena. Sobrang saya ko. Pinupog ko sya ng halik. Maaring wala sa kanya yun, pero she made my day always. Simple yet very effective para sa akin na pang tanggal inis ang anak ko. Ngayon, dalawang bwan na lang at nandito na ang daddy nya. Sigurado ako matutuwa din sya na makita na malaki na si Marianna at marami ng alam. Bilis lang talaga ng panahon ...

Thursday, June 18, 2009

Pictures while Working

Posted by Picasa
May picture taking kanina dito sa office. And these pictures are courtesy of our resident Photographer KT. Ayan ako, doing my usual thing dito sa office ...

Tuesday, June 16, 2009

The start of my Cooking Adventures


Early this morning, i decided to cook some fettuccine Alfredo since I'm craving for it since yesterday. I just discovered the "joy" of cooking recently after realizing that I want to prepare food for my daughter to make sure that she eats healthy (teka, 8.5 mos pa lang si Marianna a. Oh well, I'm preparing in advance, he he) Last week after purchasing a nestle cookbook, i have been doing atleast 5 recipes from it. At kakatingin sa food blog ni Peachy, ayan, nahawa na din ako pag luluto. Masarap mag luto. Ngayon ko lang din narealize. Tamang tama din at malapit lapit na dumating ang asawa ko. Bobonggahan ko sya ng luto ng hindi na "luncheon meat" ang kanyang favorite. Yun lang daw kasi lagi kong pinapakain sa kanya. Hay ... ayan love. Para sa inyo ni Marianna ang effort ko na yan.

Plato ko nung Birthday Treat ni Kuya Vic




Last tuesday, June 9, birthday ni Kuya Vic, ang aming resident cook dito sa office. At ayan ang itsura ng aking plato. Clockwise: Pritong talong, Kalderetang spare ribs, chicken w/ tofu and mushroom, inihaw na bangus, ensaladang talong, ensaladang mangga and bagoong. Kanin sa gitna. he he. Gara ng plato ko no? Sampler Plate. Again, belated happy birthday. Maraming salamat at binusog mo kami.

Monday, June 15, 2009

Thanks Tita Winnie

O di ba ang anak ko, bagay na bagay ang gift ni tita Winnie na Minnie mouse jumper set and rattle socks. Ayan buhat sya ni Lola Wena nya. Parang iiyak lang sya dyan pero masaya yan. he he. Humahabol kasi sa kin. Kamukha talaga ng daddy nya na yung mga picture nung maliit parang iiyak o umiiyak kasi humahabol sa kumukuha. In mark's case, humabol sya sa papa nya na kadalasang kumukuha ng pictures nila. Thanks Tita Winnie. Hope to see you and Deanna soon.

Scrappin Modaze: The many faces of Marianna while watching tv commercials



These are the many faces of my daughter while watching TV. She loves commercials particularly. Pag nanonood yan, hindi ko makausap ng maayos. Nandun attention nya sa TV. She loves commercials with kids and family in particular. I enjoy looking at her when she watches those commercials. I love it when she makes different facial expressions as if she fully understands what she is watching.
Scrap tools: HP Photo smart Essential 3.5

Thursday, June 11, 2009

Message from Daddy

This surprised me one day while scanning my blog for comments ....

This was in one of my scrappin mondaze entry dated 27 April 2009

Anonymous said...
hi my dear precious & marianna. sobra misssssss ko na kayo. Daddy will be back in 3 months. how i wish to spend each day with you both. i love you so much! -mark
June 2, 2009 2:07 AM

They were on dock in Germany that time.

Ang sweet naman talaga ng asawa ko. sobrang misssss ka na din namin ni Marianna. And counting from today it would be less than 3 months and magkakasama na tayo. Excited na kami ni Marianna to be with you ulit. So many plans, we'll just enjoy being a family once you're here.
Marianna and I love you so much.

Wednesday, June 3, 2009

Office Birthday Celebration



I was not able to go to office last monday so i treated my officemates for lunch yesterday.
Too bad i was not able to take the before pictures, yung nakahain pa yung mga handa at payapa pa ang kapaligiran, ang bilis kasi ng mga pangyayari. Ang bilis naubos ng pagkain. ha ha. Gutom ang mga taga opisina ko. Nung dumating yung taga kabila, yung accts annex department, kanin, sabaw, konting mixed vegies at dessert na lang ang inabutan. Mabuti at mga jologs naman tong mga ito at umubra na din. Masaya kasi daming tao dito. Nakakamiss sila. Di kasi kami araw araw nag kikita at nilagak kami dito sa kabundukan. he he. Eto ang listahan ng mga gusto kong pasalamantan kaugnay sa ukasyong ito:

Una, salamat sa aking Ina. Pinagluto pa ako ng shanghai at Hamonado pandagdag handa.

Pangalawa, kay Kuya Vic. Ang aming resident caterer. Maraming salamat at nag paabala ka sa akin. Sarap ng kalderetang spare ribs at mixed vegies. Next week, tingnan ko ang handa mo at i kritik natin dito sa blog ko. ha ha Advance happy birthday :-)
Pang tatlo, salamat sa mga kaibigan ko sa trends. Dahil nag bigay sila ng 2 kahong Krispy Kremes na pinakain ko din sa mga kasama ko dito. Nag enjoy sila. At nag enjoy naman din ako pag tingin sa kanila.

Pang apat, salamat sa mga kaibigan ko sa euroasia. Salamat sa ice cream. Gusto ko ng double dutch, kaso nga lang di ako naka tikim kahit isang kutchara. ha ha. Ok lang, sabi ko nga makita ko lang mga kasama kong nag eenjoy, masaya na din ako.


Pang lima, salamat sa mga ka opisina ko, lalo na yung mga dumayo pa galing kabila. Masaya ako at pinaunlakan nyo ako. Di ko nga alam sino unang eembrace. Na miss ko kayo talaga.



Hangang sa muli kong kaarawan dito sa opisina mga kaibigan. Hangat kaya ng aking kakayanan, itutuloy ko taon taon ang pagbusog sa inyo. Next time, di na pang 50 ihahanda namin, pang 100 na para di ako mag panic pag naubusan yung iba. ha ha

My 30th Birthday Celebration








Click to play this Smilebox scrapbook: my 30th bday celebration
Create your own scrapbook - Powered by Smilebox
Make a Smilebox scrapbook

Here's my entry for this week. Super busy. I missed monday. I hope this still counts.
We went out for my birthday last saturday and spent time with Marianna thru the weekends.
Pictures are all in here courtesy of smilebox.