Thursday, January 1, 2009

Marianna's First out of town Visit


Last 30th of December, nagpunta kami sa mga relatives ni Mark na taga Balian, Pangil Laguna tska Cabanbanan, Pagsanjan Laguna. Nun lang kasi nila makikita si Marianna. Malayo ang byahe. Umalis kami dito sa Caloocan ng 6am, mag 10am na kami nakarating sa Balian. Halos nandun lahat yung mga kapatid ng mama ni Mark. Parang compound kasi na puro kamag anak magkakatabi nakatira. Tinitingnan nila si Marianna to check out kung sino kamukha. Unang napapansin yung buhok nya. Ang kapal kapal kasi ng buhok ni Marianna. Manang mana kay daddy nya, kasi sa side namin, puro kalbo mga baby o kaya manipis buhok. Kaya nga nung nakita ng mga tita ko picture ni Marianna, aminado agad sila na di namin kamukha . Tapos titingnan ako, di ko nga daw kamukha. Kamukha nga daw ni Mark nung bata pa sya, maputi nga lang daw si Mark. Baket? Di naman maitim si Marianna a. Di nga lang din sya kaputian at isa pa, si Mommy, di naman din maputi nung bata. Semi negra din. Puting kulong lang din . Dun kami nag lunch sa Balian, sa bahay nila Tita Eileen, na Ninang din namin sa kasal. Madaming kamag anak na nandun si Mark. Mostly mga kapatid ng mama nya tska mga anak nila. Masaya nagkita kita kasi bihira naman yun dahil na rin may kalayuan yung lugar. Yan yung kuha namin sa Balian kasama yung ibang kamag-anak nila Mark.

Sa Pagsanjan naman, nandun si Lola Olay, nanay ng Papa Mario, papa ni Mark. Nandun din sila Lola Eng, kapatid ni Lola Olay. Tuwa sila nung nakita si Marianna. Panay nga halik ng mga lola sa tuhod. Sabi ni Lola Eng, dati daw, tuwing magbubuntis sya, lagi nyang hinihiling na babae maging anak nya. Bale 4 na babae naging anak nya. Ang kaso nga lang daw, yung 3, may pusong lalaki daw, isa lang daw talaga yung tunay na babae. Yan naman picture ni Marianna tsaka ni Lola Olay.
Sa susunod na pabalik namin dun, malamang naglalakad na si Marianna. Nagtatanong nga si Lola Olay kung ok pa sya nun. Oo naman po sabi ko. We are looking forward to seeing them everytime we have a chance, kahit walang occassion.

No comments:

Post a Comment