Thursday, January 1, 2009
First Media Noche
Nung 25th, kay Mama kami nag Christmas. Nagpatulong kasi sya magbigay ng mga aguinaldo sa mga bata. Di ko lang naiblog kasi wala kaming dalang camera kaya wala kaming proof . New year, dun namin kami sa Marilao. Kila mama ni Mark. From Laguna, dun na kami nagpaderecho ng 30 ng gabi para dun na mag New Year. Di masyado maingay dun, di katulad sa Caloocan. Tska maulan din kaya di siguro masyado nakapagpaputok. Fountain tska lusis lang naman sinidihan nila Mark. Nakatulog pa nga kami pagkakain ng dinner e. Nagulat ako nung nagising ako, 11:47 na oras sa cell ko. Tayo agad ako sabay gising kay Mark. Sabi kasi ng matatanda, pag tulog ka pagsapit ng bagong taon, tulog ka na buong taon. Pamahiin lang naman pero ayoko pa din, gusto ko, gising ako ng exactly 12mn. Pagtayo nga namin, nauna pang nagising si Marianna sa amin kaya gising kami lahat nung New Year. After ng 12, nag kainan na kami. Sotanghon, ham, ulam na may quail eggs, puto, kutsinta, tinapay, keso tska mga fruits pagkain namin. Mag 2am na din kami nakatulog kasi nakikipag kwentuhan pa si Mark. Di kasi sya makatulog agad kasi naka nap kami after dinner. Next year sana nandito sya ulit to celebrate the New Year with Marianna and me, hirap kasi if duty calls, pwedeng wala sya dito sa Pinas to spend the holidays with us. Pero ganun talaga, thats life. Ang importante, with or without us, i know he's heart and mind are with his family here in the Philippines.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment