Its been one week since umalis si Mark for work . Hay ... eto na naman . Magbibilang nanaman ako ng araw, then months bago ulit sya bumalik. Malungkot pero kaya naman. No choice e. Nandito na. Nag asawa ko ng seaman, what do I expect? Natural aalis sya for work. Kailan kaya ko masasanay? Eh pang ilang alis naman nya to. Nakakainis . Pagdating nya, mag aadjust ka ng nandito sya. Tapos kung kailan nakapag adjust ka na, saka naman sya aalis ulit. Malaking bagay meron na kaming Marianna kaya di na ko masyadong nag iinarte ngayon di katulad nung iniwan nya kong buntis. Lungkot ako nun kasi naman wala sya . Buntis ako wala man lang ako malambingan . Sobrang inggit ko nun pag may nakikita akong buntis na kasama yung asawa. Na inaalalayan sila at nilalambing. Dumating sya nun 2 wks bago ako nanganak. Tamang tama lang. Kasi mag wawala na talaga ko kung pati pangaganak ko wala sya. And as he promised, bumawi sya sa pag aalaga sa amin ni Marianna, sa abot ng kanyang makakaya . Ngayon naman, tentative na uwi nya, mag ffirst birthday naman si Marianna . Tamang tama lang. Makikita nya si Marianna ulit, malaki na. Baka nga di na sya kilala. Hay .... ganun talaga. Sabi nga ng asawa ko, konting tiis lang naman. Di naman din magtatagal at di na sya ulit aalis. Di na nya kami iiwan. I dont think it will be anytime soon. But im looking forward for that day to come.
No comments:
Post a Comment