Una, mas malaki na si Marianna.
Mabilis talaga lumaki ang mga bata. Kaya nga sinusulit ko yung time habang maliit sya. Ineenjoy ko sya na laruin, yakapin at halikan ng halikan. Kasi di ko mamamalayan baka pag malaki na sya, madyahe na syang magpahalik sa kin.
Mabilis talaga lumaki ang mga bata. Kaya nga sinusulit ko yung time habang maliit sya. Ineenjoy ko sya na laruin, yakapin at halikan ng halikan. Kasi di ko mamamalayan baka pag malaki na sya, madyahe na syang magpahalik sa kin.
Pangalawa, ngayon na mommy na ko, feeling ko lalo akong naging kuripot. Lahat kinukwenta ko. Dati madalas ako mag breakfast sa labas. Eh, mahina 80 pesos na gastos pag nag jollibee ako o mc do. Kaya ngayon, sa bahay na ko kumakain. Bumili na lang ako ng tinapay, keso tska gatas. So far, di pa naman ako nagsasawa. Tska tingin ko pag inisip ko gastos di naman ako magsasawa, he he. Kailangan ko na mag ipon. Para na din kay Marianna. Gusto ko kasi maibigay sa kanya lahat ng kailangan nya .
Pangatlo, sa tricycle na ko madalas mag dinner ngayon. Pagbaba ko ng lrt sa monumento, bumibili lang ako ng empanada o kaya waffle o kahit ano na madali lang kainin. Sa tricycle ko na kinakain pauwi. Kasi gusto ko, pagdating ko ng bahay, abutan ko pa anak ko ng gising. Nilalaro ko sya agad, pinapadede o pinupunasan. Hawak ko sya hangang sa makatulog. Miss na miss ko kasi sya pag umaalis ako para pumasok sa office kaya gusto ko masulit ko yung oras na kasama ko sya.
Pang apat, ngayon ko na realize kapag may anak ka pala, puro sya na lang bukang bibig mo pag may kwentuhan. Siguro yung iba kulang na lang takpan na ang bibig ko para matigil kaka kwento kay Marianna. I can't help it, dati si Mark ang bida sa mga kwento ko. Ngayon si Marianna na.
Pang lima, sa bahay na ulit kami umuuwi ngayon. Nung umalis si Mark, lipat bahay na kami ni Marianna. Mabuti at malugod pa din kaming tinaggap ni mama, hehe. Kasi naman, sayang yung matitipid namin. Mahal ang upa at kuryente. Higit sa lahat, advantage sa min na kasama si mama dahil masusubay bayan nya si Marianna.
Pang anim, ngayon na realize ko na mahal na mahal ko ang asawa ko. Lagi naman ako ganito e. Pag nandito si Mark, naiinis ako tska madalas kong awayin. Ngayon na umalis na sya ulit, eto nanaman ako, lagi ko syang hinahanap. Mabait ang asawa ko at napaka responsible. Kaya nga feeling ko lagi pa din akong in love sa kanya. Miss na miss ko na sya. 7 1/2 months pa ko mag iintay bago sya makauwi ulit. Buti na lang sa barko nila pwede sya mag email kaya parang araw araw din kami nakakapag usap. Hopefully di ko mamalayan, nandito na sya ulit .
Last but not the least, ang sarap sarap pala ng feeling maging Mommy. Sobrang saya ng pakiramdam pag tinitingnan ako ng anak ko at nakayakap sa kin. Nakalimutan ko lahat ng sakit nung naglalabor ako, ha ha. Naalala ko tuloy, nung malapit na ko manganak, panay na ko iling sa sobrang sakit . May kasama pa ngang ayoko na yung iling ko e. Tawa pa ko bago ko manganak kasi sabi ko sa OB ko painless. Kala ko ligtas na ko sa sakit. Di pala. Ang sakit
. Sobra. Pero kung ganito naman ang kapalit, malamang sa umulit pa ko. he he. Sana boy naman na next time para tapos na. Pero syempre, kung ano ibigay sa min ni God, malugod naming tatanggapin.
. Sobra. Pero kung ganito naman ang kapalit, malamang sa umulit pa ko. he he. Sana boy naman na next time para tapos na. Pero syempre, kung ano ibigay sa min ni God, malugod naming tatanggapin.
I know marami pa kong marerealize at mga maeexperience na pagbabago being a first time mom. Im very lucky to have the chance to have this experience of a lifetime.
Masarap talaga maging mommy. Kahit pagod ka sa maghapon sa work pagdating mo sa bahay at makita mo lang silang ngumiti pati ikaw mangingiti na rin. 'Yan yung mga bagay na hindi kayang tumbasan ng kahit na anong materyal na bagay sa mundo.
ReplyDeleteEnjoy every single moment with your child. You're right in spending time with her after work. Let her feel your love and affection in every little way. Hay... wala talang tutumbas sa pagmamahal ng isang ina...