Monday, January 19, 2009

Kwentong Marianna

Nung sabado, umuwi muna yaya ni Marianna tapos kahapon lang ng hapon bumalik. Ok lang naman sa kin para maalagaan ko din sya. Buong linggo, na miss ko ang anak ko. Kasi naman sa gabi, sandali lang pagdating ko tulog na sya. Ginagawa ko nga kinakain ko lang dinner ko sa tricycle. Pagbaba ko ng lrt, bibili lang ako ng kahit ano, pizza o kaya waffle o kaya empanada. Yun na dinner ko. Gusto ko kasi pagdating ko ng bahay, malalaro ko agad si Marianna habang gising. Madaling alagaan ang anak ko. Isang beses lang sya gumigising sa magdamag di katulad ng ibang bata na namumuyat.

Totoo, ang bilis lang nilang lumaki. Parang one week lang, tingin ko ang laki na nya agad. Kaya pala pinipigilan ako mag bibili ng damit ni mama, kasi nga sandali pa lang, maliit na sa kanya yung iba nyang mga damit.
Nung isang araw, kumakain si mama, sinubuan nya si Marianna ng konting bangus. Tuwa pa sya kasi nilalasap lasap pa e. Sabay sinuka . He he. Di pa pwede kumain ng solid foods baby ko. Subukan ko pag mag six months na sya. Mashed patatas o kalabasa tska ceralac siguro.

Kahapon, tinangalan ko sya ng mittens. Tuwang tuwa sya sa mga daliri nya. Nilalaro nya. Tapos tinuturuan ko na sya humawak ng feeding bottle nya tska rattle. Sobrang lambing, medyo sinisinat kasi dahil binakunahan sya nung Friday. Ang anak ko, pag naiinis, kinukusot ng kamay ang mukha. Nung sinaway ko sumibi ba naman tska umiyak ng malakas . Niyakap ko tapos hinalikan , tumigil sya pero humihikbi pa din. Nakakatuwa ang anak ko, marunong ng sawayin. Kaso dahil nga di pa sya marunong magsalita, iyak lang ang nasagot nya.

Marami na syang alam. Nanonood na sya ng tv, naglalaro mag isa sa crib nya, nakikipag usap, medyo nagigilala na nga din sya e. Very excited na ko . Madami akong gustong ituro sa kanya. Paglaki laki nya, isasama ko na sya dito sa office. Pag saturday kasi, halfday lang kami. Pwede magsama ng anak. Tapos pagkatapos ng work, magbobonding kami mag mommy. Parang nung isang araw ang lungkot lungkot ko nung umalis si Mark. Ang dami ko ng kwento sa kanya tungkol kay Marianna pag tawag nya . Salamat kay Marianna, nabawasan ang lungkot ko.
Medyo nahuhuli ako ng posting dito sa blog. Naadik kasi ako kakalaro ng chuzzle .

1 comment:

  1. Hay naku,dj.Talagang ang bilis lumaki ng baby.Yung akin nga parang kakapanganak ko lang 1 year old na agad.Hindi ka mainip.Masarap kapag madaldal na ang baby at marami ng nakakain.Si Ykaie,favorite nya mag-bike.may baon pa kaming snacks and water kapag nagba-bike sya.Ako?Na-eexcercise sa pagtulak sa bike nya..hehe

    ReplyDelete