Thursday, January 29, 2009

4 Months na si Marianna




Hay ... bilis talaga ng panahon. 4 months na ang anak ko. Ano ano na nga ba nagagawa nya ngayong four months na sya? Hmmmm....
*** mahilig na sya manood ng tv. favorite programs? Dora the explorer, the Backyardigans tska
Blues Clues. Approved ni mommy. kasama nya ko nanonood e. Kaso nga lang, sabi ng daddy nya, wag ko daw masyadong sanayin na nanonood ng tv, kaya bumili ako ng giant na nursery rhymes books. Well, she seems to enjoy it as much as she enjoys watching tv.
*** mas lalo tumalas pakiramdam nya. nung medyo maliit pa sya, pag dating ko galing sa office, titingnan ko, tulog, maya maya, biglang iiyak ng malakas . Parang naamoy na nandun na ko at nagpapabuhat. ngayon, kusa na syang gumigising. Bago ko umalis papunta sa office, nagigising yan at sinusundan ako ng tingin hangang sa maka alis ako. Tapos pagdating ko naman galing office, kapag tulog, nagigising sya ng kusa kahit di ko gisingin. Siguro naaamoy ako. Kaya malamang nito, ilang months na lang, may bata ng hahabol sa kin pag aalis ako ng bahay .
*** Mabilis na syang dumapa at makabalik ng higa. Nung minsan nga habang nilalaro ko sya, naka tatlong ikot. Di na pwedeng iwan mag isa ang anak ko at baka mahulog.
*** Nag uumpisa na sya mangilala. Nung isang araw, ibinaba sya ni mama sa kapitbahay. Si kuya Gary, nun lang nya kasi nakita, nung binati sya, sumibi. Muntik na nga daw umiyak. he he. Ok yun para di manakaw ang anak ko.
*** Nag uumpisa na syang maging TL (tulo laway) . Kasama na nga ngayon sa get up nya yung bib e. Siguro mag uumpisa na syang tubuan ng ngipin.
*** Ang bigat na ng anak ko. Yung pisngi tig - isang kilo.
*** Kapag ayaw nya ng naka upo habang hawak mo sya, lumiliyad. Kaya alam ko na na kailangan kong tumayo para isayaw sayaw sya.
Madami pa syang nagagawa ngayon na 4 mos na sya at alam kong patuloy pa na madadagdagan nalalaman nya as she grows old. Sayang nga lang at wala dito Daddy nya to see her grow. Alam ko malungkot din si Mark for being away from us. Pero lahat naman ng ginagawa namin ay para din kay Marianna. Konting tiis muna ngayon.

Tuesday, January 27, 2009

What's Your Baby's Animal Sign?



Marianna is a Rat baby (born September 28, 2008)


Rat babies love to be cuddled and tend to depend a lot on their parents when young, but as they grow they develop natural leadership qualities which a trait from being first in the Chinese horoscope. As toddlers they start to exhibit very active mental abilities and are eager to learn. They love to collect things and will fill their bedrooms with pebbles, bits of paper and anything they fancy. Generally, young rats are smart little people with artistic and literary skills as well as excel in sports.


Want to know your baby's Chinese animal sign?
http://www.xtraastrology.com/astrology_archive/Your%20Baby's%20Chinese%20Animal%20Signs.html

Monday, January 26, 2009

What Kind of Cereal Are You?




You Are Cheerios



Like other Cheerios eaters, you want to be a responsible adult.

But you can't help but still be a kid at heart!



You try to make good decisions. You're a clean cut, conscientious person.

You're the type of person who would never skip breakfast.



Part of you thinks that breakfast is too important to miss...

But a bigger part of you knows it's too fun to miss!

First giggle

Nung friday, narinig ko tumawa ng malakas anak ko habang kinikiliti ko . Sobrang saya ko. Iba yung feeling . Yun bang tipong mag papakain ako sa sobrang saya. Parang nanalo ako sa lotto . Hay ... kung wala si Marianna, nag mumukmok ako nito kasi wala si Mark. Salamat sa anak ko, i look forward to days to come. Not that i don't before. She just made my life more meaningfull .

Wednesday, January 21, 2009

Dalawang Linggong mga Pagbabago

Two weeks na since umalis si Mark for work. In two weeks time dami ng nangyari at pagbabago.....

Una, mas malaki na si Marianna.

Mabilis talaga lumaki ang mga bata. Kaya nga sinusulit ko yung time habang maliit sya. Ineenjoy ko sya na laruin, yakapin at halikan ng halikan
. Kasi di ko mamamalayan baka pag malaki na sya, madyahe na syang magpahalik sa kin.

Pangalawa, ngayon na mommy na ko, feeling ko lalo akong naging kuripot. Lahat kinukwenta ko. Dati madalas ako mag breakfast sa labas. Eh, mahina 80 pesos na gastos pag nag jollibee ako o mc do. Kaya ngayon, sa bahay na ko kumakain. Bumili na lang ako ng tinapay, keso tska gatas. So far, di pa naman ako nagsasawa. Tska tingin ko pag inisip ko gastos di naman ako magsasawa, he he. Kailangan ko na mag ipon. Para na din kay Marianna. Gusto ko kasi maibigay sa kanya lahat ng kailangan nya .


Pangatlo, sa tricycle na ko madalas mag dinner ngayon. Pagbaba ko ng lrt sa monumento, bumibili lang ako ng empanada o kaya waffle o kahit ano na madali lang kainin. Sa tricycle ko na kinakain pauwi. Kasi gusto ko, pagdating ko ng bahay, abutan ko pa anak ko ng gising. Nilalaro ko sya agad, pinapadede o pinupunasan. Hawak ko sya hangang sa makatulog. Miss na miss ko kasi sya pag umaalis ako para pumasok sa office kaya gusto ko masulit ko yung oras na kasama ko sya.


Pang apat, ngayon ko na realize kapag may anak ka pala, puro sya na lang bukang bibig mo pag may kwentuhan. Siguro yung iba kulang na lang takpan na ang bibig ko para matigil kaka kwento kay Marianna. I can't help it, dati si Mark ang bida sa mga kwento ko. Ngayon si Marianna na.


Pang lima, sa bahay na ulit kami umuuwi ngayon. Nung umalis si Mark, lipat bahay na kami ni Marianna. Mabuti at malugod pa din kaming tinaggap ni mama, hehe. Kasi naman, sayang yung matitipid namin. Mahal ang upa at kuryente. Higit sa lahat, advantage sa min na kasama si mama dahil masusubay bayan nya si Marianna.

Pang anim, ngayon na realize ko na mahal na mahal ko ang asawa ko. Lagi naman ako ganito e. Pag nandito si Mark, naiinis ako tska madalas kong awayin. Ngayon na umalis na sya ulit, eto nanaman ako, lagi ko syang hinahanap. Mabait ang asawa ko at napaka responsible. Kaya nga feeling ko lagi pa din akong in love sa kanya. Miss na miss ko na sya. 7 1/2 months pa ko mag iintay bago sya makauwi ulit. Buti na lang sa barko nila pwede sya mag email kaya parang araw araw din kami nakakapag usap. Hopefully di ko mamalayan, nandito na sya ulit .


Last but not the least, ang sarap sarap pala ng feeling maging Mommy. Sobrang saya ng pakiramdam pag tinitingnan ako ng anak ko at nakayakap sa kin. Nakalimutan ko lahat ng sakit nung naglalabor ako, ha ha. Naalala ko tuloy, nung malapit na ko manganak, panay na ko iling sa sobrang sakit . May kasama pa ngang ayoko na yung iling ko e. Tawa pa ko bago ko manganak kasi sabi ko sa OB ko painless. Kala ko ligtas na ko sa sakit. Di pala. Ang sakit
. Sobra. Pero kung ganito naman ang kapalit, malamang sa umulit pa ko. he he. Sana boy naman na next time para tapos na. Pero syempre, kung ano ibigay sa min ni God, malugod naming tatanggapin.
I know marami pa kong marerealize at mga maeexperience na pagbabago being a first time mom. Im very lucky to have the chance to have this experience of a lifetime.

Monday, January 19, 2009

Kwentong Marianna

Nung sabado, umuwi muna yaya ni Marianna tapos kahapon lang ng hapon bumalik. Ok lang naman sa kin para maalagaan ko din sya. Buong linggo, na miss ko ang anak ko. Kasi naman sa gabi, sandali lang pagdating ko tulog na sya. Ginagawa ko nga kinakain ko lang dinner ko sa tricycle. Pagbaba ko ng lrt, bibili lang ako ng kahit ano, pizza o kaya waffle o kaya empanada. Yun na dinner ko. Gusto ko kasi pagdating ko ng bahay, malalaro ko agad si Marianna habang gising. Madaling alagaan ang anak ko. Isang beses lang sya gumigising sa magdamag di katulad ng ibang bata na namumuyat.

Totoo, ang bilis lang nilang lumaki. Parang one week lang, tingin ko ang laki na nya agad. Kaya pala pinipigilan ako mag bibili ng damit ni mama, kasi nga sandali pa lang, maliit na sa kanya yung iba nyang mga damit.
Nung isang araw, kumakain si mama, sinubuan nya si Marianna ng konting bangus. Tuwa pa sya kasi nilalasap lasap pa e. Sabay sinuka . He he. Di pa pwede kumain ng solid foods baby ko. Subukan ko pag mag six months na sya. Mashed patatas o kalabasa tska ceralac siguro.

Kahapon, tinangalan ko sya ng mittens. Tuwang tuwa sya sa mga daliri nya. Nilalaro nya. Tapos tinuturuan ko na sya humawak ng feeding bottle nya tska rattle. Sobrang lambing, medyo sinisinat kasi dahil binakunahan sya nung Friday. Ang anak ko, pag naiinis, kinukusot ng kamay ang mukha. Nung sinaway ko sumibi ba naman tska umiyak ng malakas . Niyakap ko tapos hinalikan , tumigil sya pero humihikbi pa din. Nakakatuwa ang anak ko, marunong ng sawayin. Kaso dahil nga di pa sya marunong magsalita, iyak lang ang nasagot nya.

Marami na syang alam. Nanonood na sya ng tv, naglalaro mag isa sa crib nya, nakikipag usap, medyo nagigilala na nga din sya e. Very excited na ko . Madami akong gustong ituro sa kanya. Paglaki laki nya, isasama ko na sya dito sa office. Pag saturday kasi, halfday lang kami. Pwede magsama ng anak. Tapos pagkatapos ng work, magbobonding kami mag mommy. Parang nung isang araw ang lungkot lungkot ko nung umalis si Mark. Ang dami ko ng kwento sa kanya tungkol kay Marianna pag tawag nya . Salamat kay Marianna, nabawasan ang lungkot ko.
Medyo nahuhuli ako ng posting dito sa blog. Naadik kasi ako kakalaro ng chuzzle .

Thursday, January 15, 2009

I survived the first week....more weeks to come. hay ....

Its been one week since umalis si Mark for work . Hay ... eto na naman . Magbibilang nanaman ako ng araw, then months bago ulit sya bumalik. Malungkot pero kaya naman. No choice e. Nandito na. Nag asawa ko ng seaman, what do I expect? Natural aalis sya for work. Kailan kaya ko masasanay? Eh pang ilang alis naman nya to. Nakakainis . Pagdating nya, mag aadjust ka ng nandito sya. Tapos kung kailan nakapag adjust ka na, saka naman sya aalis ulit. Malaking bagay meron na kaming Marianna kaya di na ko masyadong nag iinarte ngayon di katulad nung iniwan nya kong buntis. Lungkot ako nun kasi naman wala sya . Buntis ako wala man lang ako malambingan . Sobrang inggit ko nun pag may nakikita akong buntis na kasama yung asawa. Na inaalalayan sila at nilalambing. Dumating sya nun 2 wks bago ako nanganak. Tamang tama lang. Kasi mag wawala na talaga ko kung pati pangaganak ko wala sya. And as he promised, bumawi sya sa pag aalaga sa amin ni Marianna, sa abot ng kanyang makakaya . Ngayon naman, tentative na uwi nya, mag ffirst birthday naman si Marianna . Tamang tama lang. Makikita nya si Marianna ulit, malaki na. Baka nga di na sya kilala. Hay .... ganun talaga. Sabi nga ng asawa ko, konting tiis lang naman. Di naman din magtatagal at di na sya ulit aalis. Di na nya kami iiwan. I dont think it will be anytime soon. But im looking forward for that day to come.

Wednesday, January 14, 2009

You make my day award



Got a you make my day award from Peachy.
Thanks Peach !!!
It will also make your day to see her blog,

Tuesday, January 13, 2009

Mommy and Baby Pictorial

Ang anak ko naka pout pa ang lips. Mana sa mommy. he he


O di ba taray ng posing namin?

Si Marianna, maliit pa lang marunong na tumingin sa camera.
Kuha lang lahat yan sa cell ko, more pictures to come .....