Wednesday, September 9, 2009

Happy 1st Birthday Raine !!!








Yan si Raine. 2nd na anak ng kuya ko na nagcelebrate ng kanyang 1st birthday last weekend.



From Left to Right ( Chona, Raine, Kuya Jon-jon, Henny a.k.a "Dirty Chicken")






Ayan ang anak ko, pilit hinahablot si Raine. Hinihila nya kasi yung name tag, taka sya ba't sya wala.








Si Marianna, lahat na lang sinusubo. Napira piraso nya yang party hat na yan. Kaya nga binuo ko ulit yan parang puzzle para masiguro na wala syang nakain. he he








Ayan naman si Daddy Mark. Sali sa games. Tong tao na to, di mahirap ayain sumali. Di katulad ng iba na pahirapan. Ako kasi di ako masyado game sa ganyan. Well, depende din siguro sa mood. Anyways, di sya nanalo. Yung game is parang hep-hep-hurray. Pero syempre kahit di sya nanalo, sya pa din winner para sa min ni Marianna.






Yan. Picture taking with the Shakey's Mascot " Henny - a.k.a Dirty Chicken "

Pero in fairness kahit medyo dirty sya, nasayaw naman nya ng maayos yung Nobody but You.
Ang anak ko, di maalis ang titig sa mascot. Buti na lang at hindi natatakot. Sana sa birthday nya di sya mag topak o mag panic pag nakita si Kid Mcdo tska si Birdee.



Wish ng kuya ko para kay Raine? World Peace at Economic Stability daw. Parang kakandidato.
Ako, ang wish ko para kay Raine? Sana lumaki syang mabait, masunurin at may takot sa Diyos.
Bilis talaga ng panahon. Parang sabay pa kami buntis nun ni Chona. Ngayon naka 1 taon na si Raine. Susunod si Marianna naman.

1 comment:

  1. Happy Birthday Raine....

    ...at aatend kami ni Ykaie sa birthday ni marianna..

    ReplyDelete