Thursday, February 5, 2009

Mga bilin ni Daddy

Ngayon na may anak na kami, dumadami ang bilin ni Mark. Maswerte na lang din at may access sila to send an email galing sa barko. Syempre karamihan ng bilin, puro tungkol kay Marianna.


Aalagaan daw mabuti.

Syempre kaya. Anak ko din kaya si Marianna. Natural kahit di nya sabihin aalagaan ko anak ko.


Wag daw sanayin manood ng tv.

Eto ang medyo malalagot ako. Kasi tuwing madaling araw. Gising kami pareho ng 4am. Nanonood kami ng Nick Jr. Favorite nya kasi Blues Clues, Dora the Explorer tska yung The Backyardigans.

Basahan daw lagi ng Book.

Ngayon, isa pa lang yung nabibili ko na book para kay Marianna. Yung Giant book of Nursery Rhymes. Yun pa lang yung paulit ulit kong binabasa para sa kanya. Naghahanap pa kasi ako ng malaki din na book na may colors, alphabet tska numbers.

Ipakita daw lagi picture nya kay Marianna.

Eto ang hindi ko pa nagagawa sa ngayon. Kasi daw baka makalimutan na sya ni Marianna pag uwi nya at di na sumama sa kanya. Eh kasi naman, di nya tinuloy yung plano namin nun na bago sya umalis, papa blow-up namin yung picture nya na 1x1. Pagkatapos, gagawin namin mask at lalagyan ng goma sa tenga para maisuot ni Yaya Linda. O di ba? Ewan na lang kung makalimutan pa sya ni Marianna nyan.


Turuan daw si Marianna mag pray.

Eto ang medyo mabigat. 4 months pa lang si Marianna e at wala pang nasasabi na word. Di bale,
panonoorin ko na lang sya ng sunday tv mass. Teka, di ba to againts sa bilin nya na wag masyado panoorin ng tv si Marianna? Di bale, excused naman siguro kami this time.

No comments:

Post a Comment