Monday, February 16, 2009

Happy Valentines Day my love

Ewan ko sa ibang may asawa na wala dito asawa nila dahil sa trabaho, sa akin, pangkaraniwang araw lang pag v-day. Nasanay na din siguro ko kasi simula nung naging mag bf at mag asawa kami, lagi syang wala dito tuwing valentines day. At ang asawa ko, di sya yung tipong susurprise ka ng flowers, o tawag pag may special occassions. Kahit nga birthday ko, di na ko umaasa na tatawag sya o mag eeffort na surprise ako. Malungkot, kasi naiingit ako sa ibang ka opisina ko na pinadadalhan sila ng mga asawa nila na seaman din sa office ng bouquet of flowers pag valentines day o birthday nila . Pero ika nga, nasa pagtanggap lang yan. At tanggap ko na kung ano man sya. Isa lang ang alam ko, wala ng iba para sa kin. Nakks . Kasi ang asawa ko, alam ko talagang mahal na mahal nya ko. Nararamdaman yun e. Nung nanliligaw pa lang yan, sinabihan ko ng di kami bag ay. O di ba ang bait ko talaga? Pero di pa din nya ko iniwan. Nagtyaga pa din sya sa panliligaw sa kin. Kaya nun pa lang, alam ko na at naramdaman na sya na talaga para sa kin. Isa pang di ko makalimutan nun, pag naglalakad kami, hawak nya kamay ko tapos lagay nya sa dibdib nya. Gusto nya daw maramdaman ko how his heart beats when he's with me. Gara no? Natatawa nga ko e. I hope di nya style yun to get girls fall for him kasi it worked for me. Hay .... I miss my husband so much . Sana, im hoping that it wont be long, di na nya kailangan umalis para we'll get to spend special occassions like this together . Happy Valentines day my love. Marianna and I love you so much .

No comments:

Post a Comment