Sa araw araw na pagsakay ko ng lrt papunta at pauwi galing office, swerte na pag di ako nakarining ng taong nagtatalo. Ito ang ilan lang sa mga pinag tatalunan nila:
Kapag nasisiksik. May mga tao kasing ayaw masiksik. At nattyempuhan ko, tong mga taong to, ayaw din magpalagpas kaya nakikipagtalo at nagkakaingay. Ang kadalasang sagot ng nakasiksik? "Eh di mag taxi ka! Ayaw mong masiksik e bat ka nag LRT?" hay... 4 out of 5 na pag nagtatalo, eto ang lagi naririnig ko.
Nakikipag unahan sa upuan. Ang saya saya pag sa monumento ka galing. Parang may childrens party. Kasi parang may larong trip to jerusalem sa pag uunahan sa upuan. At syempre, may mga taong takaw away kaya may nagtatalo pa din pag naunahan sa upuan.
Kapag nasisita na nakaupo para dun sa special seats (senior citizens, may sakit, buntis, bata). Nung minsan may nakasakay ako, mag ina. Yung anak nya buntis. Eh di dun sila umupo sa special seats. Lumapit yung guard dun sa nanay. GUARD: "mam, senior citizen po ba kayo?" NANAY: "Aba! bastos ka a. Wala kang modo! Bakit? Mukha na ba kong senior citizen?" unti unti ng umalis yung guard kasi ayaw sya tigilan. kesyo tinatanong pa kung san agency nya at isusumbong dahil walang modo. Mommy, nagtatanong lang naman po si manong guard. Eh kasi nga dun kayo umupo. Di ka naman buntis. Mukha ka namang walang sakit at lalong hindi ka bata. Kaya tinanong na lang ng guard kung senior citizen kayo. he he.
Hay naku. Dami ko talagang nasasaksihan sa lrt. Ako, i avoid confrontations at all costs. Kaya pag nakaka saksi ako ng away o pagtatalo parang di pangkaraniwan sa kin. Ayoko kasi malagay sa sitwasyon na pagtitinginan ka at pagbubulungan. Sabagay, di naman talaga maiiwasan mga ganung bagay lalo nat napakarami talagang sumasakay sa lrt.
Hay naku DJ..nung buntis ako at nakaupo ako doon sa may unahan pinagkamalan ba naman ako ng guard na "CHUBBY". My gas pulgas!Ang laki ng tyan ko chubby ako?
ReplyDelete