Thursday, August 5, 2010
On line Shopping
Tukso talaga ang facebook! Pag tumitingin ako ng mga updated pictures ng mga kaibigan ko, napapatingin din ako ng mga pwedeng mabili para kay Marianna. Ang gaganda kasi ng mga gamit tska damit pang girl. Gastos pero so far, im a satisfied costumer naman. Suki ako ni Rose (dress to impress). Kasi naman kaklase ko sya at ka service nung elementary kaya i know her personally. Swerte ko nga at sya pa mismo nag dedeliver sa bahay nung mga binili ko at taga Malabon sya at madalas din nagagawi malapit sa amin. I also tried buying sa iba pero i ask Rose first if ok yung goods tska yung mismong tao na bibilhan ko at mahirap na maloko kasi you have to pay first before they deliver the items to you. You have to add the courier to the cost of the items that you brought pero ok lang naman kaysa ikaw pa mismo ang umalis at bumili at mag ikot kakahanap ng gusto mo. Di katulad on line, no sweat. Kahit ano itsura mo pwede ka mag shopping at nasa bahay ka lang naman, hehe. Advantage to sa kin since I have to budget my time between work and my Marianna. Ngayon i just ordered a dress at Babinski. I'll post some pics pag nareceive ko na. Excited na din ako, hehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ako naman Dj, takot sa online shopping, hehehe... baka kasi maliit ang mabili ko! hahaha!!! Kakatuwa naman kayo ni Peach, girls ang mga babies nyo, ako 2 boys kaya wala akong mabilhan ng mga kakikayang ganyan :(
ReplyDeleteAy sarap talaga mag shopping ng mga damit at gamit na pang girl adik ako sa ganyan lagi ako tumitingin kung ano bago pag nag mall kami. Pinipigilan na nga ako ni sis sa pagbili ng damit ni ykaie at masyado ng marami minsan isang beses lang naisusuot binibigay ko na sa anak ng kuya ko na mas payat sa kanya. Maski sapatos dami din. Baka daw mamaya pag nagka boy syang anak di ko bilhan. Di kaya masarap buy ng gamit ng boy. hahahah!
ReplyDelete