Wednesday, August 4, 2010

Addicted to Marianna

Grabe ganito pala feeling ng maging mommy. Lalo na im working, i feel that i have to give my house time all to my daughter. Maswerte na nga lang at ayos nakuha namin na kasama sa bahay kaya i already excuse myself of doing chores (ang totoo, tinatamad na ko talaga kasi after working nakikipag digmaan pa ko sa lrt to and from the office). When i go home, i sometimes pass by the grocery to buy things for the house as well as some things for Marianna. Then sa ulam, i try to buy her something na pag niluto may sabaw. Im happy she eats well. Medyo tumaba na nga anak ko at natututukan ng kain. Paborito nya tinolang manok. Kakatuwa nga at humihigop pa ng sabaw. Maswerte din ako at di sakitin ang anak ko. The usual sipon lang and I just double the dosage of her Ceelin at nawawala na din naman. By nine tulog na din sya pero before she goes to sleep, playtime muna namin then i sing her some nursery rhymes (twinkle , twinkle lang naman tska insi winsy spider alam ko, hehe) hangang makatulog na sya. And i do this while im inside her crib, hehe. i'll miss this when she grows up, hay... but until then i'll just enjoy now. i look forward to everyday because of her and i'll be forever be thankful for everything. God is indeed so good.

2 comments:

  1. nakakaadik talaga mag-alaga ng anak....buti may update ka..

    ReplyDelete
  2. hay bff ... di ko namamalayan oras pag kasama ko si Marianna :-)

    ReplyDelete