Saturday, August 21, 2010

Fun with Colors

Kahapon dumaan ako sa National Bookstore to buy Marianna some crayons. Ang hinahanap ko talaga ay yung twist crayons kaso lang ang mahal naman nung nandun at madaming kulay. Napunta tuloy ako sa My First Crayons ng Crayola (Php 42 for 8 crayons). Yun naman mga kinukulayan nya, naprint ko lang sa internet. Eto yung site nila (just click the Link) Lilfingers.

Ayan, may isang casualty. Biglang tinangay ng anak ko at nginuya. Agad ko ngang dinukot sa bibig yung durog na krayola at nakagat pa nga ako. Sarap na sarap sya sa pag nguya na para bang mani yung nginuguya nya. Buti na lang at non-toxic tong mga krayola na to.

1 comment:

  1. Ang ganda kasi ng kulay kaya napagkamalang candy. hehehe!

    ReplyDelete