Yan po ang makulit at syempre cute kong anak na si Marianna.
As of today 1 year old, 3 mos and 7 days na sya.
Mabilis na sya maglakad at hinahawi pa o tinutulak kung sino man ang nakaharang sa kanyang daraanan. Nakakaakyat na din sya hangang tatlong baitang ng hagdan. Medyo natatakot nga lang bumaba kaya inaalalayan pag bumababa sya.
Marunong na sya uminom sa straw tska sa baso. Minsan lang ay nasasamid pag gumagamit ng straw at nasosobrahan ng higop. Malakas na din sya kumain ng solid food. Mahilig sya sa spaghetti, pansit at sopas.
Ngayon, takot sa kanya si Raine, anak ng kuya ko na halos kasing idaran nya at matanda lang ng 27 days (Sept 1 si Raine, Sept 28 naman si Marianna). Kasi naman, inaagaw ni Marianna kung ano man ang hawak ni Raine. Hinahawakan pa yung kabilang kamay nya at biglang kinukuha yung hawak nya sa isang kamay. Kaya tuloy ngayon si Raine, makita pa lang sya ay umiiyak na.
Maliit pa lang, mukhang may pagka siga tong anak ko. Nagmana siguro sa akin at ayaw akuin ni Mark yung ugali nya na ganun. Nung maliit kasi ako, may pagka pasaway din ako. Ayan tuloy. Mukhang unti-unti, magpapatotoo na ko sa sabi-sabi na kung ano ginawa mo, gagawin din sa yo ng anak mo. he he.
Maliit pa lang, mukhang may pagka siga tong anak ko. Nagmana siguro sa akin at ayaw akuin ni Mark yung ugali nya na ganun. Nung maliit kasi ako, may pagka pasaway din ako. Ayan tuloy. Mukhang unti-unti, magpapatotoo na ko sa sabi-sabi na kung ano ginawa mo, gagawin din sa yo ng anak mo. he he.
Kagabi, nagising sya ng alanganing oras. Nasuka kasi ang bata at madaming nakaing french fries dun sa mga kuya ko tapos sinupal palan pa ng 2 bote ng gatas ng ama. Kaya ayun, 10pm na ay gising na gising pa din. Ginawa namin, pinatayan namin sya ng ilaw at kunyari tulog na din kami. Sigaw ng sigaw at nananawag. Nung medyo tumahimik, akala namin tulog na. Tapos may biglang lumanding na unan sa min. Binato nya yung unan nya sa min, hehe. Talaga naman. Syempre wala naman kami nagawa kung di tumawa.
Ang sarap ng may anak. Mahirap na masaya. Mahirap kasi syempre ibang iba ang buhay may anak na kaysa yung kayong dalawa pa lang mag asawa. Di na pwedeng matulog hangang gusto mo at kailangan bigyan ng gatas o palitan ng diaper ang bata. Na kahit antok na antok ka na ay mapipilitan kang kumilos at maglinis ng maduming bote ng anak mo. Na kahit pagod na pagod ka na ay pupunasan mo sya at pag luluto para kumain. Masaya naman kasi iba yung pakiramdam e. Hindi ko ma paliwanag ng konkreto. Pag may anak ka na, mas may kahulugan ang buhay. Hindi ka na nabubuhay para sa sarili mo. Nabubuhay ka para sa kanila.
Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo anak. Marami pa kami madidiskubre sa ugali mo habang lumalaki ka at umpisa pa lang yan. Kung ano pa man, dito lang kami para sumubaybay sa yo at maggabay para malaman mo kung ano ang tama. Naway, tama naman ang maituro namin, hehe.
Si yanna ay kasing kulit ng mommy nya....
ReplyDeleteHehehe ganyan talaga DJ, isa pa lang yan pano na kaya kung may kasunod na? Teka, kailan nyo ba balak sundan pati na rin si Peachy wala pang kasunod si Ykaie? Ako 9 years ang gap :)
ReplyDeleteRizza :)
ang cute nya :)
ReplyDeleteHappy New Year Dj!