I was about to make an entry for food friday but im really not in the mood of doing anything. Lo bat ako at nasasad at aalis nanaman ang aking mahal na asawa. Yet another 8 months to count until he arrives again for work. hay ... eto yung part na ayaw ko and one of the disadvantages kung ofw ang better half mo. oh well. sacrifices had to be done and this is part of our sacrifice. a light one for some since mas mahirap pa nga pinagdadaanan ng ibang couples pero ewan ko ba bakit di pa din ako masanay sanay at dinadamdam ko pa din pag umaalis sya. pero may mga pagkakaiba ngayon kaysa nung mga nakaraang alis ni mark.
Una,hindi na ko mag hahakot ng gamit. Nakadalawang hakot kasi ako ng gamit at nagugupahan lang kami nung unang dalawang alis nya. Ang hirap mag hakot ng gamit. Lalo na at ako lahat halos ang nag aayos. Ngayon, di na ako mag mimigrate kay mama at may sarili na kaming bahay. Salamat sa Diyos.
Pangalawa, medyo malaki na si Marianna. Pwede na kaming mamasyal at maglibang at pwede na syang maisama.
Pangatlo, di nya ako iiwang buntis (naku sana nga!). nung nabuntis kasi ako kay marianna, nakaalis na sya nung nalaman ko na buntis nga ko. naku naka ilang timba na luha yata ako yung duration na di ko sya kasama. ganun pala pag buntis. super sensitive. feeling ko sobra akong kawawa. kaya ngayon sinabihan ko sya na sa susunod na magkakababy ulit kami, di muna sya aalis at parang na troma na ko sa sobrang lungkot.
Pang apat, kasama ko na sa bahay mama nya, si mama rowena at sis nya na si rio. less stress ito para sa kin kasi sigurado ako na maaalagaan ng maayos si marianna. di katulad pag iniwan mo sa ibang tao.
Pang lima, mas marami akong aktibidades na naka linya na gawin kaya i'll be super busy. more things to do, less time to be sad (hopefully).
I'll be missing you yet again sweetie. Take good care of yourself for me and marianna. As we always say pag nasa barko ka, till the next text, calls and emails.
I love you forever.
awwwww..hayaan mo aalis din tayo,BFF
ReplyDelete