Sunday, June 27, 2010

Marianna's New Hair Cut

Short na ang hair ni Marianna ngayon. From Dora hairstyle naging Diego na ang kanyang hairstyle, hehe. Napakainit kasi at kamot sya ng kamot. Yung batok, likod, pati loob ng tenga may sugat kakakamot nya. Pag nababasa kasi yung buhok ng pawis, nagagati at di na mapigilan sa pag kamot ang anak ko. Ayaw din nya mag paipit. Kaya ayan, I decided na pagupitan na sya. Grabe naman para kaming ginulpi ng tita ko bago sya natapos gupitan. Nagwawala. Buhat buhat namin sya at nag pupumiglas at umiiyak habang ginugupitan. Sabi ko nga sa bakla wag lang pasyarin sa batok e. Kaso mo di nga mapakali ang anak ko kaya ganyan kaikli ang nangyari. Nagkalat nga kami ng buhok nya sa buong parlor, hehe. Pero ngayon, na sinabihan ako ng ninang nya na kukunin syang flower girl early next year ... papahabain ko na ulit hair nya. Sana di na sya masyadong maligalig by that time, hehe. Ang anak ko, lalong naging kamukha ng daddy nya. Mini-me at Jr ang dating. Lalo tuloy ako na in love sa mag ama ko, hay .... Speaking of Daddy, by August nandito na ang mahal kong asawa. Excited na kami ni Marianna to spend family time with him again after nearly 8 mos :-)

3 comments:

  1. Bagay naman kay marianna! Si ykaie type nya magpagupit gaya ng buhok ni Maja Salvador! lol!

    ReplyDelete
  2. for sure mahaba na hair ni Marianna kapag nag flower girl sya next year :) At Dj, ang bilis ng panahon, parang kailan lang umalis si hubby mo ah, pauwi na pala..

    nga pala, yung recipe ng beef tapa, post ko na sa site :) try mo Dj masarap siya ;)

    ReplyDelete