Its my birthday last May 30 at huling idad ko na nasa kalendaryo pa. hehe. Now, I'll try to tell as much facts about me as much as I can .....
- I was born on May 30, 1979 at exactly 5:17am
- 30 months lang yung nakalagay sa birth certificate ko, that means i was born prematurely at 7 months. No wonder kulang kulang ako at times .... ay medyo madalas din pala (ayaw ko lang aminin, hehe)
- My whole name is Djohanna Marie Arnaldo San Diego-Marinas. Now with the inclusion of my husbands' surname. Sabi ng mama ko, kuya ko daw ang nagpangalan sa kin. Galing sa isang character sa comics na lagi nyang binabasa. Moanna Marie actually. Pangalan ng babaeng unggoy na character sa comics. Oh di ba ang bait bait ng kuya ko? Pinaganda lang ni mama at ginawang Djohanna.
- I am the second child of Reynaldo San Diego Sr. and Elisa Arnaldo. 29 si papa nun at 27 naman si mama nung pinaganak ako.
- Madami akong nickname. Joan obviously galing sa pangalan ko, Boyang bansang naman sa kin nung maliit ako at sakitin daw ako. Boy kasi palayaw ng papa ko at sabi nila, kamukha ko daw si papa kaya Boyang. Dj dagdag na palayaw ko na binansag ng 2nd year hs teacher namin na si Mrs. Marquez.
- Sabi ng mama ko, meron daw kami dapat na kapatid na twin brothers. Pagitan namin ni kuya. Kaso di nya daw kaya kaya she had a forced abortion when the twins was 5 months old.
- We have a plus one. Si Ryan. Adopted nila mama and papa. Kaya 3 kaming magkakapatid.
- Tabachoy ako nung maliit hangang high school. Napaka takaw ko kasi. Kinukwento nga ng tita ko kahit ketchup lang ulam dami ko nakakain na kanin, hehe.
- Napakahilig ko din sa matamis, lalo na ngayon. Pag malungkot ako o stressed, chocolate, cake o kaya ice cream ang pangpasaya ko.
- Mahilig akong kumanta. Nung maliliit pa kami pag may reunion, pinagkakakitaan ko ang pagkanta, hehe.
- Hindi ako marunong sumayaw, parehong kaliwa paa ko at di ako marunong sumabay sa tugtog, hehe.
- I studied at La Consolacion College Caloocan from Kinder to Highschool kaya naman meron akong Loyalty Medal, hehe.
- Pinaka hate ko na subject ang Math at Pinaka gusto ko naman History.
- Ayoko ng Math pero nung college, Accounting Major ako sa UE - Caloocan. Batch 2000 ako.
- Hinihimatay ako ng pagdidiet nung high school hangang college. Pag sinabi ko kasing hindi ako kakain, di talaga ako kakain. Kaya ayun hinihimatay ako sa gutom, hehe.
- Hindi ako umattend ng college graduation ... lets just say medyo bitter ako nun, haha
- Luha, pawis at kamuntik ng dugo ang naging pumuhan ko para maging board passer. Ang masasabi ko lang, totoo yung kapag sa yo, sa yo talaga. In God's right time.
- Im still working at my first office, Hammonia Shipagency dati, naging Philippine Hammonia, at ngayon BSM Crew Service Centre Phils, Inc. na. Mag 8 years of service na ko this year.
- Sa opisina ko din nakilala ang aking mahal na asawa. Nag cadet sya dati sa office bago naging seaman.
- Si Mark ang una at huli kong boyfriend. Sya lang kasi ang nagkaroon ng tapang na ligawan ako, haha.
- Parehong May ang birthday namin. May 16 sya at May 30 naman ako, two weeks apart lang. Same year din, 1979 at laging pareho ng araw birthday namin. Katulad this year, parehong linggo birthday namin.
- Pareho na kaming walang papa. Papa ko namatay, July 20, 2004 then si Papa Mario naman August 20, 2004 parehong dahil sa sakit.
- Kinasal kami December 15, 2007 sa Victoneta Chapel dito sa Potrero Malabon. Mag 5 years na din kami mag-bf nun.
- Mag boy friend at girl friend pa lang kami ni Mark ay nag wiwish na ko na sana kung magkakaanak kami in the future ay baby girl na kamukha nya. Kaya si Marianna ay wish came true. Pati blood type ay nakuha sa Daddy nya.
- Wala akong alam sa gawaing bahay nung nag asawa ko. Pero instinct na lang yata talaga at di naman kailangan pang ituro. Natuto ako magluto at mag alaga ng bata ng nag asawa at nagka anak na ko.
- Kagaya nung nag aaral pa ako, opisina bahay lang din ang buhay ko. Di ako gumigimik. Nakakapasyal lang ako pag may bibilhin na kailangan na gamit ni Marianna o kaya naaaya ng kita kits ni Bff Peachy.
- Hindi ako imiinom ng kape. Pero ngayon ... mukhang mag babago na to. Napapainom kasi ako ng kape sa umaga pag kulang sa tulog o nanlalata.
- Konti na lang at mapupuno ko na din hangang no. 31 ....
hehehe,it's nice to know you more Dj :) Happy Birthday uli!!!
ReplyDeleteAlam mo ba na may niece ako na ang name e Djoraine? She is 14 yrs old now at sa spelling ng name mo kinuha ni sis ang "Dj" at sinabi nya sa pinsan ko na ganun ang I-spelling sa name ng anak nya. O diba! Bongga! Natatandaan ko pa pinapag usapan pa namin dati mga kakaibang name ng classmates nyo. Meron pa ngang Fatty Heart.Ako naman ang nagpangalan kay sis. Dapat ang name nya e Purple pero ayaw ng nanay ko. E may sikat na model nun ang name Peachy kaya yun suggest ko at nagustuhan namn ni mudra.
ReplyDelete