Sunday, March 14, 2010

Dressing like Marianna

I have always been looking kung san ako makakabili ng damit na terno kami ni Marianna at dahil sa pag bbrowse ng mga pictures sa  facebook, a former classmate, Sheryl Grace Lugar - Peralta who posts pictures of her and her daughter Sam wearing the same clothes, nakakuha ako ng tip kung san ako makakabili. Ang cute kasi tingnan pag terno mag ina. She mentioned that she buys some of her and Sam's matching outfits at Kids of Bayo.

Last Friday, pumunta ko sa Robinson's Manila to scout for matching outfits. At tamang tama naman, at sale.


Yan yung nabili ko na shirt sa Kids of Bayo. Size 4 kay Marianna at size 18 naman sa kin (largest na yun!,lalo tuloy ako na inspire mag diet at kung tataba ako ay wala ng magkakasya sa kin). Daming cute dun at sayang lang konting designs lang meron kasi nga 50% sale items nila. Naisuot na namin agad yung binili ko na shirts kasi nag mall kami kahapon. Nakakatuwa kasi halos lahat ng nakakasalubong sa amin naka-smile. Natutuwa siguro sila sa itsura namin mag-mommy.

Eto naman yung isa pang matching outfit namin ni Marianna. Sa Twilo ko naman nabili. 20% off yung sa kin, yung kay Marianna naman 30% off. Grabe ang saya ko nung Friday. Natuwa ako ng sobra sa mga nabili ko.
Wala pa ngang occassion kung san namin to pwedeng isuot. Pero malamang sa sobrang excitement, gumawa ako ng happening para lang maisuot namin to.

2 comments:

  1. Hay pangarap ni sis yan ang makapagsuot sila ni Ykaie ng terno. Balak nya bumili ng pang summer para magamit sa aming susunod na lakwatsa.

    ReplyDelete