Saturday, October 3, 2009
Marianna's 1st Birthday Celebration
Marianna's 1st birthday celebration was held at Mc Donald's victory mall branch. It was originally scheduled on the 26th but because of Ondoy, it was re scheduled on the 28th, which was exactly Marianna's birthday. Salamat din at pumayag ang Mcdo na iresched na lang dahil nga sa masungit na panahon. Lunes yung 28 kaya karamihan ng mga bisita namin, di nakapunta. But its ok, naging masaya naman party nya at may nakapunta din naman kahit paapano, namely Kuya ko, mama ko, mga anak ng kuya ko .... he he.
Eto ang bonggang cake ni Marianna, courtesy of Ninang Janeth. Thanks Ninang. Hindi nag papigil na kahit na malayo (saudi) ay nagpadala pa at sagot daw nya cake ng inaanak nya. Pati nga tong cake, naka sched for pick up nung 26. Nilusong namin yung baha at sinadya yung Red Ribbon sa Araneta Square at pinakilagak muna hangang makuha namin nung 28th.
Ayan si Mama, pag kakita kay Marianna, practice agad sila ng lakaran.
Ang mga ever loyal na ninang ni Marianna. Si Ninang Annie (right) galing Dubai yan, kasama din nya dun yung isang ninang ni Marianna, si Ninang Janice. Dapat flight nya pabilik 28th ng tanghali. Buti at naparebook at naka attend pa sya sa party ni Marianna. Si Ninang Romelia naman (left) galing field yan, nag audit, nag pumilit humabol sa party ng inaanak nya. Salamat mga ninangs. In fairness naman sa mga friendship ko at ibang ninang ni Marianna, nag sabi naman sila na di makakapunta because of the Ondoy factor.
PS. thanks sa gift Ninang Janice. Tuturuan ko si Marianna dun sa bigay mo at ng makapasa sa ibibigay mong quiz sa kanya pag dating mo sa Dec.
Yan si Bam, kasama mag ama nya. Ka office mate ko yan. Mabuti na lang at check up ni Gillian kaya tamang tama di sya pumasok kaya naka attend sila sa party ni Marianna.
Lola Rowena, Cousin Deanna and Tita Rio. Medyo na late lang si Lola kasi super traffic galing sa kanila sa Marilao. Si Tita Rose, Tita Rio tska Deanna naman sa amin nag stay since saturday kasi binaha sila sa Marilao.
And here are the crying factors. Si Ria, anak na panganay ng kuya ko, paakyat pa lang sa party area, rinig mo na umaatungal. Ewan ko ba dito, parang nagkaphobia at lagi na lang ganyan ang drama pag pupunta ng birthday party. Ang lakas ng tili, sigaw pa nya o "AYAW MCDO!!!!" tawanan yung mga nandun, tanong nga ko ng host nung party, si Jumel bakit Jollibee daw ba gusto? Sabi ko, lahat ayaw nya, KFC lang yata gusto. He he.
Tapos ang anak ko naman. Kinakantahan sya ng "Happy Birthday" dyan ng umiyak. Unang kanta ok pa sya e, pero nung pangalawa nung lumakas, ayan bumunghalit na ng iyak ang bata. Feeling siguro ng anak ko sinisigawan sya, he he.
Party games. Mas madami pa adults sa mga kids. Enjoy ang mga isip bata, he he.
Ayan ang Daddy, pilit isinasali ang anak sa dance number ni Kid Mc Do tska Birdie.
Message from Mommy to Marianna: "Sana lumaki ang anak ko na masunurin, mabait, may malasakit sa kapwa, malusog at di iyakin" (Nag iyak pa din sya eh. Oh well, wishes doesn't come true instantly)
Message from Daddy to Marianna: "I hope she grows up like her mom, sweet, understanding and God fearing" (Oh di ba? Pogi points para kay daddy!!!)
Happy 1st Birthday Anak. Mahal na Mahal ka namin ni Daddy mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
asus1 at nagpapaniwala ka naman kay Mark?..hehehe joke lang.
ReplyDeletekainis di kami naka-attend ni Ykaie dito