Tapos may nakita ko na bakery na puro native cookies tinda, N. Juance Orig. Bakery. Ang saya ko. Nag turo ako ng nag turo sa tindera. Ayan ang nabili ko, worth Php 120.00 lahat. Clockwise: Mini camachille - crunchy mini cookies shaped like the vegie camachile, pacencia - crunchy round cookies, mini camachille ulit, camachile, pianono - mamon na nakarolyo na parang may yema o leche flan sa gitna (dalawa yan nakain ko na yung isa agad, he he), mamon tostado - crunchy mamon, lengua de gato - flat milk cookies tska puto seco - round white cookies yung nasa gitna. Pinaka gusto ko? yung pianono. Yun yata specialty nila dun. Naalala ko tuloy nabanggit ng papa ko na dun sya bumibili ng pianono na binibigay nya kay mama nung nanliligaw pa daw sya. Masarap daw kasi talaga dun.
Hoy DJ,penge ako..
ReplyDelete