A dear friend of mine is pregnant kaya bumabalik ang mga alaala ng aking pregnant days pag nagkukuwentuhan kami. And here are some of the things na di ko makalimutan:
1. People are extra nice when you're pregnant . Nung buntis pa ko, special treatment ako lagi. Sa bahay, sa office pati pag mamimili ako, o nag lalakad lang, todo alalay sila sa kin. Kaya medyo mahirap mag adjust ngayong nakapanganak na ko. Parang hinahanap hanap ko yung mga priveledge ko nun. he he
2. You have the license to eat as much as you want pag buntis ka. Pero syempre, yung healthy lang dapat kainin for you and your baby. Ngayon kasi, eto nanaman ko. Control sa pagkain nanaman at baka tumaba at mahirapan mag diet. Eh pinag lihian ko nun pizza, 2wks yata akong kumain ng pizza. Gustong gusto ko kasi. Tapos sa palengke, sumasama ko kay mama, bumibili ako ng biscuit sa maliliit na plastic. Yung tig-5 pesos lang isa. Kaso lang etong si mama, pinalitan ba naman yung mga pinili ko. Kasi pinili ko yung medyo tusta. Masarap kasi yun. Pag uwi ko, puro mapuputi na yung biscuit. Sabi ng mama ko, pinalitan daw nyat baka kasi maging negra anak ko. Hala. he he.
3. Yun usapang pamahiin. Di naman totoo yun at di naman ako naniniwala sa pamahiin. Yung lolo ko sa guiguinto nung bumisita kami, tigas na bilin. Mag iingat daw ako na wag matitisod o madadapa dahil magiging ungi (cleft pallet) daw anak ko. Tapos daw, pag may nakita daw akong pangit o nasa isip ko daw ay pangit, sabihin ko daw " Uy, ang pangit mo" kasi daw pag hindi, maiinternalize ko yun at ang anak ko ang magiging pangit. Comedy. Tawa ko ng tawa. Kung gagawin ko yun, baka maging magpanglait baby ko nyan. Pero at least di pangit ano? ha ha
Sarap ireminise yung mga araw na yun at marami akong naexperience na nakakaiba as a first time preggers. Ang bilis ng panahon. Parang naaalala ko pa yung araw na nag positive ako sa pregnancy test. Ngayon, 5 mos na si Marianna . Di ko mamamalayan we'll having our next baby na (hopefully not too soon).
No comments:
Post a Comment