Monday, June 28, 2010

Dragon Gate Seafood Restaurant

 Last Friday, our department held our "bonding" activity at Dragon Gate Seafood Restaurant along Roxas Blvd and here are some of the main dishes we devoured...


GARLIC PORK SPARE RIBS

pangkaraniwan lang ang lasa para sa akin. medyo matigas pa kaya di ko masyado nagustuhan ....

SESAME CHICKEN


chicken strips deep fried with sesame seeds
nothing to crave about this. tuyo at matigas din. nasobrahan siguro sa prito ....

SWEET AND SOUR FISH FILLET


This one I liked. Masarap. Malambot yung fish fillet at tamang tama lang ang timpla ng sweet and sour sauce.

HOT SHRIMP SALAD


A hot creamy shrimp salad with fruits.
  Masarap kasi sariwa at juicy yung shrimp.

Yang chow fried rice kanin namin, assorted canned softdrink for drinks and assorted fresh fruits for dessert.

We had a room rented for our Department. Halos 20 persons din kami and libre na ang gamit ng videoke. Masaya, magulo at busog kami. I hope we could do this more often as a group para naman di puro trabaho pinag uusapan namin. We're lucky to have a company that is generous enough to allow us to go out and enjoy once in a while para ma relax at makalimot sa problema sa trabaho kahit sandali, hehe.

Sunday, June 27, 2010

Marianna's New Hair Cut

Short na ang hair ni Marianna ngayon. From Dora hairstyle naging Diego na ang kanyang hairstyle, hehe. Napakainit kasi at kamot sya ng kamot. Yung batok, likod, pati loob ng tenga may sugat kakakamot nya. Pag nababasa kasi yung buhok ng pawis, nagagati at di na mapigilan sa pag kamot ang anak ko. Ayaw din nya mag paipit. Kaya ayan, I decided na pagupitan na sya. Grabe naman para kaming ginulpi ng tita ko bago sya natapos gupitan. Nagwawala. Buhat buhat namin sya at nag pupumiglas at umiiyak habang ginugupitan. Sabi ko nga sa bakla wag lang pasyarin sa batok e. Kaso mo di nga mapakali ang anak ko kaya ganyan kaikli ang nangyari. Nagkalat nga kami ng buhok nya sa buong parlor, hehe. Pero ngayon, na sinabihan ako ng ninang nya na kukunin syang flower girl early next year ... papahabain ko na ulit hair nya. Sana di na sya masyadong maligalig by that time, hehe. Ang anak ko, lalong naging kamukha ng daddy nya. Mini-me at Jr ang dating. Lalo tuloy ako na in love sa mag ama ko, hay .... Speaking of Daddy, by August nandito na ang mahal kong asawa. Excited na kami ni Marianna to spend family time with him again after nearly 8 mos :-)

Saturday, June 26, 2010

Nangarag Ako!

Hay ... Im almost more than a month behind my posts !!!! Nagarag ako. Yun yun. Ang daming work sa office at kinailangan ko mag hanap ng yaya ni Marianna ng madalian kaya na stress ako at nagarag. Ngayon na may yaya na si Marianna, Im hoping to catch up with my posts and scraps :-)

MOMMY PAGES

As I was about to finish cleaning the aircon screen in our garage this morning, when i heard a loud knock on the door. Upon opening, an LBC person handed me my MOMMY PAGES.

I did request a copy of this through email about a month ago. I read about this on the May 2010 issue of Smart Parenting. Its a very useful directory for mommies which provides as a reference guide to places, numbers and all things parent related. From shopping stores, play centers, theme parks, childbirth & lamaze classes, and even cord blood bank services and best of all, its FREE!!! Ms. Janice Villanueva, together with Sen Pia Cayetano, founded Mommy Pages, this is indeed a must have for moms like me. Thank you so much.

If you would like a your own copy of Mommy Pages, just email them at copyrequest@mommypages.com.ph

Tuesday, June 1, 2010

Its My Day Today!

Its my birthday last May 30 at huling idad ko na nasa kalendaryo pa. hehe. Now, I'll try to tell as much facts about me as much as I can .....

  1.  I was born on May 30, 1979 at exactly 5:17am
  2.  30 months lang yung nakalagay sa birth certificate ko, that means i was born prematurely at 7 months. No wonder kulang kulang ako at times .... ay medyo madalas din pala (ayaw ko lang aminin, hehe) 
  3. My whole name is Djohanna Marie Arnaldo San Diego-Marinas. Now with the inclusion of my husbands' surname. Sabi ng mama ko, kuya ko daw ang nagpangalan sa kin. Galing sa isang character sa comics na lagi nyang binabasa. Moanna Marie actually. Pangalan ng babaeng unggoy na character sa comics. Oh di ba ang bait bait ng kuya ko? Pinaganda lang ni mama at ginawang Djohanna.
  4. I am the second child of Reynaldo San Diego Sr. and Elisa Arnaldo. 29 si papa nun at 27 naman si mama nung pinaganak ako. 
  5. Madami akong nickname. Joan obviously galing sa pangalan ko, Boyang bansang naman sa kin nung maliit ako at sakitin daw ako. Boy kasi palayaw ng papa ko at sabi nila, kamukha ko daw si papa kaya Boyang. Dj dagdag na palayaw ko na binansag ng 2nd year hs teacher namin na si Mrs. Marquez.
  6. Sabi ng mama ko, meron daw kami dapat na kapatid na twin brothers. Pagitan namin ni kuya. Kaso di nya daw kaya kaya she had a forced abortion when the twins was 5 months old.
  7. We have a plus one. Si Ryan. Adopted nila mama and papa. Kaya 3 kaming magkakapatid.
  8. Tabachoy ako nung maliit hangang high school. Napaka takaw ko kasi. Kinukwento nga ng tita ko kahit ketchup lang ulam dami ko nakakain na kanin, hehe.
  9. Napakahilig ko din sa matamis, lalo na ngayon. Pag malungkot ako o stressed, chocolate, cake o kaya ice cream ang pangpasaya ko.
  10. Mahilig akong kumanta. Nung maliliit pa kami pag may reunion, pinagkakakitaan ko ang pagkanta, hehe.
  11. Hindi ako marunong sumayaw, parehong kaliwa paa ko at di ako marunong sumabay sa tugtog, hehe.
  12. I studied at La Consolacion College Caloocan from Kinder to Highschool kaya naman meron akong Loyalty Medal, hehe.
  13. Pinaka hate ko na subject ang Math at Pinaka gusto ko naman History.
  14. Ayoko ng Math pero nung college, Accounting Major ako sa UE - Caloocan. Batch 2000 ako.
  15. Hinihimatay ako ng pagdidiet nung high school hangang college. Pag sinabi ko kasing hindi ako kakain, di talaga ako kakain. Kaya ayun hinihimatay ako sa gutom, hehe.
  16. Hindi ako umattend ng college graduation ... lets just say medyo bitter ako nun, haha
  17. Luha, pawis at kamuntik ng dugo ang naging pumuhan ko para maging board passer. Ang masasabi ko lang, totoo yung kapag sa yo, sa yo talaga. In God's right time.
  18. Im still working at my first office, Hammonia Shipagency dati, naging Philippine Hammonia, at ngayon BSM Crew Service Centre Phils, Inc. na. Mag 8 years of service na ko this year.
  19. Sa opisina ko din nakilala ang aking mahal na asawa. Nag cadet sya dati sa office bago naging seaman.
  20. Si Mark ang una at huli kong boyfriend. Sya lang kasi ang nagkaroon ng tapang na ligawan ako, haha.
  21. Parehong May ang birthday namin. May 16 sya at May 30 naman ako, two weeks apart lang. Same year din, 1979 at laging pareho ng araw birthday namin. Katulad this year, parehong linggo birthday namin. 
  22. Pareho na kaming walang papa. Papa ko namatay, July 20, 2004 then si Papa Mario naman August 20, 2004 parehong dahil sa sakit.
  23. Kinasal kami December 15, 2007 sa Victoneta Chapel dito sa Potrero Malabon. Mag 5 years na din kami mag-bf nun.
  24. Mag boy friend at girl friend pa lang kami ni Mark ay nag wiwish na ko na sana kung magkakaanak kami in the future ay baby girl na kamukha nya. Kaya si Marianna ay wish came true. Pati blood type ay nakuha sa Daddy nya.
  25. Wala akong alam sa gawaing bahay nung nag asawa ko. Pero instinct na lang yata talaga at di naman kailangan pang ituro. Natuto ako magluto at mag alaga ng bata ng nag asawa at nagka anak na ko.
  26.  Kagaya nung nag aaral pa ako, opisina bahay lang din ang buhay ko. Di ako gumigimik. Nakakapasyal lang ako pag may bibilhin na kailangan na gamit ni Marianna o kaya naaaya ng kita kits ni Bff Peachy.
  27. Hindi ako imiinom ng kape. Pero ngayon ... mukhang mag babago na to. Napapainom kasi ako ng kape sa umaga pag kulang sa tulog o nanlalata.
  28.  
     Konti na lang at mapupuno ko na din hangang no. 31 ....