Anyways, binigyan muna ko ng physical test bago sinabak sa aking "exercise routine". Eto ang aking nadiskubre .....
1. Overweight ako ng 10 lbs. Hindi ko na sasabihin kung ano ang timbang ko ngayon para ma protektahan ang aking reputasyon, hehe.
2. Mataas sa acceptable level ang aking body fat index. My gulay .... siguro nga dapat puro gulay na lang ang kainin ko. Nagrecall tuloy ako bigla ng mga culprit na nakapag contribute nito sa aking diet. At ang naalala ko agad ay ang pagkain ng mga processed food at delata. Convenient pero, di nakakabuti. Dapat ko laging tandaan yun.
3. 5ft 3 inches lang pala ako. Lagi ko pa naman nilalagay na height ko ay 5ft 4 inches. Ito kasi ang natatandaang kong taas nung nasa 4th year high school pa lang ako nung nag yearly physical test kami sa clinic sa school. Posible kayang umurong ako? Hmmmm.
At sinabak na nga ko sa aking exercise routine to "loose weight".
- 30 mins cardio
- stretching
- 20 - 25 counts exercises for the thighs, abs, arms & legs
- stretching ulit ....
- at 30 mins cardio nanaman ....
Inabot din ako ng 2 oras sa pag ggym. Pinagpawisan ako ng todo. Di ko kaya ang sit ups na 25 counts. My gut wasn't able to take the pressure as you may say.
At ito ang mga na realize ko after those grooling two hours ....
1. Di na ko masyado iinom ng mga inumin na may calories. My gosh, kalahating oras ako nag threadmill, 124 calories lang ang katapat ng tagak-tak kong pawis? Naalala ko bigla nung uminom ako ng C2 one litter. 500 calories yun ! Di na mauulit yun ! Matapos ng hirap ko sa gym, malamig na tubig na lang lagi o kaya fresh buco juice ang iinumin ko.
2. Next na punta ko, mag dadala na ko ng lalagayan ko ng tubig. Super uhaw ako. Meron naman dun water fountain, pero di ko feel maki-inom dun. Better I'll just bring my own water. Magdadala din nga pala ko ng pad-lock at di ako nakagamit ng locker kanina kasi wala kong dala.
3. 30 visits ang inavail ko at consumable lang for 6 mos. Kailangan ko mag effort para naman di masayang ang binayad ko sa gym. I need to wake up early kahit saturday para makapag gym .....
4. Pagkagaling kanina sa gym, bumili ako agad ng whole wheat cereal at skim milk. Mula ngayon, eto na magiging breakfast ko, to cut down my intake of processed foods. Just wish me luck para makatagal ako ....
Lahat ng ito, ay para lang mapag bigyan ko ang mahal kong asawa. Pero kung iisipin, para sa akin din naman to. Para maging physically fit ako to keep up with him and Marianna. At dahil mahal na mahal ko sila, I will do anything for them.