Wednesday, May 13, 2009

Marianna's New Book/Toy

Kahapon pag labas ko galing ng train sa lrt may nakita kong stall na may mga tindang books. Ang una kong napansin yung "The Hungry Catterpillar". Nakita ko kasi yun sa "Smart Parenting". Namamahalan ako kasi Php 445.00. Tagal ko din hawak hawak. Then nakita ko yung mga finger puppets/book. 2 pag pipilian. Isang Old Mac Donald tska isang Noah's Arc. Cute din yung Noah's arc. Mga animals din tska si Noah yung nasa dulo. Pero yung Old Mac Donald binili ko para kay Marianna. Mas maganda kasi naka tahi yung mga eyes ng animals compared dun sa Noah's na sticker lang mata. Eh lam nyo naman mga bata mahilig mag susubo as you can see above, he he. At take note, laging yung aso ang kinukuha nya para isubo. Mana sa mommy. Mahilig sa aso. ha ha. Anyways, it costs Php 495.00. May kamahalan pero buy agad si Mommy kasi lam ko naman magugustuhan ni Marianna pasalubong ko sa kanya. Ngiti lang naman bayad sa kin, solve na ko. At isa pang dahilan bakit yun binili ko is because para maisaliw ko sa aking pag kanta ng "Old Mac Donald Had a Farm yung mga animals during our playtime.

1 comment: