Happy mothers day sa lahat ng mga mommy, mama, nanay, inay, mamu, mader, maderaka at inang ngayong araw ng mga ina. Mahirap pero masarap maging ina. Ito nga ang pinakamahirap na profession sa lahat, ang maging "full time mom". Pero dahil medyo kailangan ng karagdagang kita, madami na din na nanay na nag hahapbuhay at nag titiis na malayo sa kanilang mga anak. Maswerte ako at kahit nag tatrabaho ako ay umuuwi pa din ako araw araw para makita at makapiling ang mahal kong anak. Pag weekends, masaya ako at kasama ko sya ng mas matagal. Nakakapagod pero nawawala yung pagod ko habang pinapanood ko sya habang natutulog, sulit lahat ng hirap pag tumatakbo syang payakap sa akin, bale wala ang tumatagak tak kong pawis kakahabol sa kanya pag nakikita at naririnig ko syang tumatawa. Masarap maging nanay. Hindi ko masabi ng kungkreto gano ako kasaya. Pero eto yung tipo ng kaligayahan na di matutumbasan ng kahit na anong halaga ng material na yaman dito sa mundo.
Happy mothers day din sa pinaka mamahal kong mama. Nag iisa lang sya at hindi ko din naman ipag papalit kahit kanino. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa amin. Sa tingin ko naman ay mabuti akong tao at iyon ay dahil sa maayos nyong pagpapalaki sa akin ni papa. Mahal na Mahal ka namin ni Marianna.
Happy mothers day Mama Wena. Salamat sa pag aalaga mo kay Marianna at maraming salamat at napalaki mo ang mahal kong asawa na responsable at may takot sa Diyos.
Happy mothers day sa lahat ng mga Nanay na patuloy na nag sasakripisyo at walang anumang hinihintay na kapalit.
Cheers to all of us.
May God bless us with good health, resilience and long life para patuloy pa natin magampanan ang ating tungkulin bilang mga Ina.